Una sa Balita

ANSABEEEH???: ANGELICA AT GLAIZA, PAREHONG LUKA-LUKA!

By
0 14
Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

Minsan na naming­ isinulat kung anong klaseng kaibigan talaga ang Banana Sundae star na si Angelica Panganiban, this time, muli itong pinatotohanan ng isa pa niyang kaibigan simula pa ng Berks days nila sa ABS-CBN na si Glaiza de Castro.

Kahit pa magkaibang networks na sila at si Glaiza ngayon ay kilala na bilang isang Kapuso at si Sang’gre Pirena ng Encantadia, solid na solid pa rin ang friendship nila.

Sinurpresa ni Angelica si Glaiza ng ticket­ sa concert ng Coldplay sa Singapore. Bukod pa kay Glaiza, si Angelica­ rin ang nag-regalo ng ticket sa isa pa nilang kaibigan na si Ketchup Eusebio at kasama rin ang kuya ni Glaiza na si Alchris Galura na binilhan ni Angelica.

“Alam kasi niya na hindi ako papayagan ng pa­rents ko kung ako lang mag-isa. Kilala na niya sina Nanay.”

Sa March 31 ang concert ng Coldplay sa Singapore pero hanggang April 2 raw sila.

Glaiza de Castro
Glaiza de Castro

Sinabi na raw niya kay Angelica na baka hindi niya kayanin dahil baka may taping pa siya ng Encantadia that time. Hindi alam ni Glaiza kung magkano ang worth ng tickets nila pero V.I.P. raw ito.

Actually, sinabi nga raw niya sa kaibigan na hindi na ‘yung concert ang after niya, kundi ‘yung magiging bonding nila sa Singapore bilang first out-of-town nilang magkasama.

Na-maintain nila ang friendship nila dahil mas naging mahalaga rin sa kanila ‘yung pagkakaibigan nila outside work.

Kung tutuusin, magkaiba sila ng personalidad, pero bakit kaya sila nagki-click?

“Parehas kaming luka-luka. Luka-luka ako in a different level. Reserved kasi talaga­ ako ever since. Pero siguro ganu’n, opposite kami.”

Mas mahirap naman daw kung pareho silang reserved.

“Hindi naman kasi puwedeng demure kami pareho.

“Anong mangyayari sa amin, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!”

YOUNG ACTOR NA MAGIGING AMA NA,
MAY UTANG PA SA ANCHOR WOMAN!

Hindi man pinapangalanan sa ginanap na pocket­ presscon ng anchor woman o mas kilala sa tawag na ‘Action Lady’ na si Kaye Dacer ang isang young actor na nakabili ng bahay niya sa may Scout Area.

May limang taon na rin daw, pero hanggang ngayon, may utang pa rin sa kanya ang young actor na ito.

“Honestly, medyo sumama ang loob ko ru’n. I’ll be very straight forward, nagbenta ako ng bahay na pinaghirapan ko. Na mula sa pawis ko. Siguro kaya rin pinayagan ng Diyos na maitayo ko ang 8 Trimedia na ito, because of my hard work and my sincerity.

“Sumama ang loob ko, kasi, hindi ko akalain na binenta ko na ng palugi ang bahay ko, may mga bagay pa kong maririnig na hindi magaganda. To top it all, the worse thing pa is, hindi pa ko nabayaran ng buo. So, nakakasama talaga ng loob.”

Sana nga raw, nagkaroon man lang ng magandang komunikasyon ang young actor na ito. Wala naman daw siyang planong mag-demanda, pero sana raw, ‘yung respeto man lang na kaya nitong ibigay ay makipag-communicate man lang.

Naitanong din dito kung baka mag-reach out na ngayong nagsalita na siya.

“Wow, it’s been after how many years, it’s been ages. Noong binenta ko ang bahay ko, I think, 2011, siguro naman kung magri-reach out siya sa akin, dapat noon pa.

“But I don’t close my door. Recently, tinext ko rin ang Nanay niya, but I didn’t get a reply. But I texted­ her after five years. Can you imagine the time frame? Gusto ko lang ma­ngamusta.”

Kung nagpalit man daw ng contact numbers, alam naman daw ng mga ito kung saan siya pupuntahan.

Anyway, hindi namin papangalanan ang young actor dahil hindi rin binanggit ni Kaye ang pangalan niya, pero nabanggit sa naturang pocket presscon na ang naturang young actor ay magiging tatay na sa young actress-girlfriend na anak ng isang action star.

Sa ngayon, simula naman ng mag-resign si Kaye sa ABS-CBN, hindi pa siya nauupo bilang anchor woman dahil alam daw niya, may bond sa kontrata niya kaya plano niyang makipag-usap sa network at kung okey na, ‘di malayong sa 8 Trimedia na siya maririnig at mapapanood.