Una sa Balita

ANSABEEEH???: Angelica, ’Drama Queen’ na!

By
0 5
Dingdong at Angelica
Dingdong at Angelica

Naniniwala si ­Direk Maryo J. ­delos Reyes na dapat na raw ma-elevate si Angelica Panganiban bilang Drama Queen. Nagagawa raw kasi nito ang mag-drama at magpatawa.­ Angelica can be everything daw.

Kahit si Dingdong nang makausap namin kamakailan lang and asked about their movie, Unmarried Wife,  si Angelica­ rin ang nabanggit niya na tipong dapat daw ­abangan.

Ngayong November­ 16 na ang showing ng ­pelikula. Nakapag-pictorial na sila at tinatapos pa rin ang ilang shooting days pa nila.

And no, hindi talaga intended­ for Metro Manila Film Festival­ ang Unmarried Wife. In fact, na-delay pa nga alam namin ang pagpapalabas dito na ang original naming dinig ay September pa sana.

Ely Buendia, supportive sa ex-wife!

Dalawang taon na halos umiikot sa iba’t ibang international film festival ang indie film na Mulat at umaani na ito ng iba’t ibang parangal mula sa pagiging Best ­Actor ni Jake Cuenca at sa ­writer/director ng pelikula na si Diane Ventura.

First time naming napanood ang Mulat sa ginanap na premiere night noong Huwebes ng gabi sa SM Megamall. Sa totoo lang, nagulat kami na mahusay nga palang writer/director si Diane.

Maganda ang pelikula, no wonder na pinupuri at ­nare-recognize itong talaga sa mga filmfest abroad.

Present pa rin sina Diane, Loren Burgos at Jake sa ginanap na premiere night. Ilang beses ng napanood ni Jake ang movie, pero pinapanood pa rin niya ito mula umpisa hanggang ending.

Promising din ang newcomer na si Loren.

Ang dating alaga at karelasyon ni Diane na si Ely Buendia ay present din at pinanood ang movie. Patunay na all’s well nga sa kanilang dalawa.

Sa November 2 pa lamang ito regular na mapapanood sa mga sinehan at walang ibang wish ang lahat ng nasa movie, lalo na si Jake na sana raw ay suportahan at panoorin ito ng mga manonood.