Una sa Balita

ANSABEEEH???: ANGEL AT JOHN LLOYD, PASOK SA KATHNIEL SERYE!

By
0 242
Angel Locsin

Nagkaroon na ng look test ang cast ng pagbabalik primetime fantaserye ng ABS-CBN, ang La Luna Sangre. Isa si Inah Raymundo sa cast at obviously, after niyang gumawa ng magkasunod na serye sa GMA 7, balik Kapamilya siyang muli.

Siyempre, ang La Luna ay pagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at pagbabalik primetime nila after their last serye na Pangako Sa ‘Yo.

Dito namin nakita na napaka-suwerte ng KathNiel dahil kitang-kita na naka-plano ang career nila. Naka-align ang mga projects na gagawin nila mapa-pelikula o telebisyon man.

Ipapalabas na sa Black Saturday ang bagong Star Cinema movie nila na Can’t Help Falling In-Love and after that, diretso na sila sa pagte-taping ng La Luna.

Epic serye pa rin daw ito pero ang kaibahan lang, mas light kumpara sa serye noon nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. And yes, kumpirmado rin na sina John Lloyd at Angel ay mapapanood sa pilot week nito.

JAKE VARGAS, IHAHARAP NA NI INAH KAY JOHN ESTRADA!

Hindi halos makasagot si Inah de Belen nang masukol ito ng mga press na dumalaw sa taping ng Encantadia sa Makati.

Ang tanong kasi sa isa sa mga bagong character ng nangungunang primetime fantaserye ng GMA 7 na Encantadia bilang si Deshna/Luna ay ang balitang sila na raw ni Jake Vargas at ang siste, apat na buwan na raw ang relasyon nila.

Hindi man umamin pero, base sa mga sagot ni Inah, mukhang totoong official na nga sila.

Natatawang sagot lang nito, “We’re just enjoying each other’s company.”

Nang tanungin ito kung ano ang mga nagugustuhan kay Jake, feeling namin ang perfect boyfriend ng Kapuso young actor sa mga sagot ni Inah ha.

Sey niya, “Sobrang bait niya. Sobrang magalang niya sa lahat. Wala siyang bahid ng yabang at all, as in!”

Nakilala na raw ni Jake ang Mommy niya na si Janice de Belen at mga sisters niya.

Natawa ito nang tanungin namin kung na-meet na ni Jake ang Daddy niya na si John Estrada.

Hindi pa raw nagmi-meet ang dalawa, pero mukhang naka-schedule na dahil kay Inah mismo galing ang chika na next week daw magmi-meet sina John at Jake.

Then, let’s see kung pasado sa Kapamilya actor ang Kapuso male star.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More