Una sa Balita

ANSABEEEH???: Anak ng pulitiko, ‘STALKER’ ni Liza Soberano!

By
0 206

Mas guwapo at maganda ang tindig ng 6 footer na anak ni Congressman Albee Benitez na si Javi Benitez sa personal. Makakasama na si Javi ng kanyang ama bilang host ng programang Game Changer.

Hindi na bago kay Javi ang paghu-host dahil noong bata siya ay na­ging host din siya ng sports show sa Studio 23 pero aminado itong nangangapa pa sa umpisa ngayon lalo na at kung ikukumpara raw siya sa Daddy niya.

Kasalukuyang nag-aaral pa si Javi ng kursong Political Science sa Sta. Clara in America pero mukhang game ito just in case na may offer for him na pasukin ang showbiz ha.

Eh, hindi pa nga siya nagsu-showbiz, nali-link na ang pangalan niya sa ilang artista tulad ng Kapuso star na si Jazz Ocampo, inamin ni Javi na they’re dating in less than a month na, though, nothing official yet.

Ewan lang kung walang magbabago if mabibigyan ng chance si Javi na makilala ang crush niya na si Liza Soberano. Aminado itong stalker ng Kapamilya young actress. Nagagandahan siya rito at alam niya rin na nag-aral din ito sa same place niya sa U.S. at knows niya rin ang mga social media account ni Liza.

Pero sey niya, “‘Di ba sila na ni Quen (Enrique Gil)?” If given na chance to know Liza, gusto lang daw niyang makilala ito, not naman ligawan.

Mukhang nagulat si Javi at hindi sanay na may mga bashers nang may magtanong dito na baka mag-ala Pio­lo Pascual siya sa posibleng pangba-bash ng LizQuen fans.

Toni G., naglilihi kay Ogie D.?

Komedyante siguro kung sa totoong buhay si Ogie Diaz ang paglilihian ni Toni Gonzaga, ‘no?

Pero sa Home Sweetie Home lang ito nangyari kunsaan, ang pinaglilihian ni Julie ay si Sir Paeng na si Ogie nga at boss ni John Lloyd Cruz a.k.a. Romeo.

Naging special guest din si Bela Padilla na napagkamalang aswang, lalo pa’t sa Pinoy, palaging nakokonek na gusto ng mga aswang ang babaeng buntis.

Ngayong Linggo naman, ‘wag palalagpasin ang nakakaaliw na mga comedy group ng Kapamilya network na Banana Sundae sa hapon at sa gabi ang kuwelang mga bata sa Goin’ Bulilit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy