Una sa Balita

Anong meron si Faeldon?

By
0 9

Ito ang malaking katanungan ni Senador Panfilo Lacson sa hindi pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon sa kabila ng kontrobersyang kinakaharap nito dahil sa nakalusot na P6.4 bilyong shabu sa naturang ahensya.

Ayon kay Lacson, sa kanyang hawak na listahan at nakuhang impormasyon ay palagi umanong kasama at lumilitaw ang pangalan ni Faeldon o ang tanggapan ng BOC commissioner na sangkot sa korapsyon sa ahensiya.

Dahil dito, ayon kay Lacson, nahihiwagaan siya kung bakit hindi masipa-sipa ng Pangulo si Faeldon.

“`Yan ang million-dollar question bakit ‘di masibak-sibak. Pero nabanggit ko sa inyo ang pangalan niya consistently lumalabas sa listahan. Pati ang bagmen at halaga na pumapasok, huwag na natin sabihin sa kanya kundi Office of the Commissioner, OCOM,” ayon kay Lacson.