Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anong meron sa Marikina River Park?

0 84

Masayang maka-bonding ang mga kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Halos 2 taon tayong naka-lockdown kaya marami sa atin ang naputol ang komunikasyon sa ilang mga friend pero may naka-survive naman sa tsikahan sa tulong ng social media.

Pero iba siyempre kapag face to face ang usapan, para lang din sa school o klase na mas masaya kapag magkakasama dahil may interaction at totoong kwentuhan at tawanan.

Kaya naman ang sarap ng mini-reunion namin ni Raquel Dawal, ‘Tita Raks’, co-editor ko sa Abante newspaper na early retiree na gaya ko na simple na ang trip sa buhay…sumayaw, mamasyal at food trip.

Nagkita kami sa Marikina at sobrang happy niya na masilayan sa unang pagkakataon ang maganda at malinis na paligid ng Marikina River Park. Taga-Bulacan kase siya dati pero ngayon ay nakatira na sa Pasig.

Anong meron sa Marikina River Park?

“Relaxing view. Yung combination ng tree & river is a real breather. Good place to jog-walk. Presko hangin e. Ideal for bikers, too. Yung magkakatropang alam mong zumba fanatics, kumpulan naman sa open space gym nila with customized stationary bikes, climber, arm toner & pendulum swing,”sabi pa niya.

Marami ang aliw mag-exercise dito dahil may mga equipment na magagamit. Nakita din namin ang isang group of retirees na karamihan ay mga lalaki na naglalaro ng ground golf. Niyaya pa nga kami pero sabi namin na saka na kami sasali kapag game at ‘golden’ na kami.

Kapansin-pansin ang maraming naglalakihang puno sa paligid na actually ay malaking tulong tuwing baha at may bagyo. “Yung bamboo trees on one side is so cool… lakas makalamig kahit suma-summer heat. May magandang chapel at grotto,” excited na pahayag pa niya.

Pero mas naaliw siya sa daming pwedeng kainan sa gilid ng ilog. May goto,tokwa’t baboy, silog at barbecue kahit hindi ka magugutom.

Swak ang mobile coffee shop na usong-uso ngayon. Umupo ka lang sa gilid sabay higop ng masarap at mainit na kape, solb na sa isang magandang umaga mo.

Ang sarap titigan ng malinis na ilog na puno ng buhay. Nakakalma lalo na ang mga tanim ng mais na nakadagdag sa cool vibe dahil sumasabay sila sa hampas ng preskong hangin na nakakaaliw sa mata.

Sa totoo lang, ang sarap tumambay dito sa maghapon dahil malilibang ka. May tugtugan at musiko kaya pilit kang mapapaindak sa daan.

Masuwerte tayo dahil malaya tayong nakakapasyal sa ganitong lugar na malapit, malinis at tamang nature trip. Hindi na kailangang lumayo. Siguro tama lang na purihin si Mayor Marcy Teodoro dahil napanatili niya na ang disiplina sa lungsod ng Marikina.

Nakaka-happy kapag proud ka sa isang lugar, gusto mo itong i-flex at ipagmalaki.

“Really nice! Thanks for the tour, Ta Elvs! Kulet mo dun sa martsa. Dapat binidyo natin e!’ Hindi mapigil ang tawanan namin habang naglalakad sa tabing ilog na may background music na parang nasa pistahan.

Halos 3-oras din ang walking tour namin. Umikot pa kami sa palengke at kumain ng carioca at beef pares sa sikat at original na Pares House Marikina. Sabay din kaming sumakay ng jeep pero naghiwalay at nagba-bye na dahil siya sa Pasig at ako naman sa Cainta uuwi.

Hanggang sa muli Tita Raks, sana next time mas marami tayong makasama para mas masaya ang kita-kits.

Maari kayong mag-share ng inyong hindi malilimutang trip, happening at kung anu-anong nagpapasaya sa inyo at ito ay ating ilalathala. Mag-email aa viel0715_2000@yahoo.com at sundan ang aking ganap sa Facebook at Instagram.

Leave A Reply

Your email address will not be published.