Una sa Balita

Anomalya sa PSC budget ‘di palulusutin ni Sen Go

0 295

NATAMEME si Sen. Franklin Drilon nang sagutin punto por punto ni Senador Bong Go ang mga katanu­ngan nito hinggil sa proposed budget ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2020.

Ayon kay Sen. Go, Chairman ng Committee on Sports ng Senado, personal niyang ni-review at binusi­si ang hinihinging budget ng PSC sa susunod na taon.

“Wala akong nakikitang problema sa budget ng PSC dahil igugugol ‘yan sa training ng mga atleta natin para matiyak na makakakuha tayo ng medalya sa mga international competition, hindi tulad ng nagdaang administrasyona,” ayon kay Go.

Aniya, hindi malulustay ang pondo dahil siya mismo ang magbabantay at sisita kapag sa PSC may nakita na hindi maganda.

Pangamba ni Drilon na baka mapunta lang sa bulsa­ ang budget ng PSC tulad ng pinipilit ng overprice umano ang Sea Games Caldron na nagkakahalaga ng P55 milyon.

Tiniyak ni Go sa kanyang mga kasama sa Senado na kapag may anomalya sa budget na ibibigay sa PSC o may bahid ito kahit na konting korapsiyon ay magpapatawag agad siya ng imbestigasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More