Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Año: Kahit 1 COVID case pa lang, lockdown na agad

0 263

sdc

Hangad ni DILG Secretary Eduardo Año ang mabilisang pagpapatupad ng localized lockdown sa National Capital Region, para mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19.

“Ang point sana natin dito, kahit isang case pa lang i-lockdown mo na kaagad at kailangan mailabas kaagad natin dito at ma-test ‘yung mga kasama niya. I mean, mailabas para mailagay sa mga isolation facilities natin,” hayag ng kalihim na vice chairman din ng National Task Force for Covid-19 sa isang radio interview, Huwebes.

“Gusto sana natin ngayon, mabilisang localized lockdown–whether it is a community, neighborhood, a street or a building or one household or one barangay. Para makapagbukas tayo ng kabuhayan at makapagtrabaho ‘yung mga kababayan natin. Pero kailangan talaga dito, mabilis na aksyon,” aniya pa.

Ayon kay Año, binanggit niya itong isyu sa pulong sa mga Metro Manila mayor, mga opisyales ng Metropolitan Manila Development Authority, at ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Gusto niya itong maging parte ng mga hakbang ng gobyerno habang dahan-dahang binubuksang muli ang ekonomiya sa harap ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.