Una sa Balita

Ano ba talaga ate? Ressa doble-kara sa press freedom

0 310

SA isang forum sa London kamakailan, napakamot ng ulo ang journalist mula sa Ca­nada matapos pakinggan ang posisyon ni Rappler CEO Maria Ressa sa freedom of the press.

Sumakit ang ulo ni Ezra Levant ng The Rebel website matapos marinig ang magkasalungat na posisyon ni Ressa sa isinagawang “Defend Media Freedom Conference” sa London na inisponsor ng kanyang investor na si media oligarch Pierre Omidyar.

“I’ve got whiplash. Five minutes ago, (Maria Ressa) was complaining about censorship under Duterte. Now she’s calling on social media companies to censor ‘disinformation’ – reporting that she doesn’t like,” ayon sa tweet ni Levant.

“That’s the kind of media freedom they’re talking about here,” dagdag pa niya.

Ang Rappler ay isa sa tatlong fact-checker na kinuha ng Facebook matapos na irekomenda ng International Fact-Checking Network (IFCN), isang organi­sasyon na pinapatakbo ng US-based Poynter Institute na tumanggap ng $1.3 milyong donasyon mula sa investor ni Ressa na si Omidyar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy