Una sa Balita

Ano ang parusa sa ejectment case?

0 503

Dear Atty. Claire,
Tanong ko lang po ano pong parusa sa ejectment case.

May kaso po kasi kami na ganon at hindi namin alam ang parusa kasi wala kami pambayad atty. Hoping for a reply.
Thank you po,
Maritoni

Ms. Maritoni,
Alam mo sa sarili mo na mali na ang ginagawa ninyo dahil hindi makatarungan na magpatuloy na manirahan sa bahay ng iba ng hindi nagbabayad ng kaukulang renta.

Tama lamang na magsampa ng kasong ejectment laban sa inyo at ang magi­ging desisyon dito ay paalisin kayo sa utos ng korte at pagbayarin kayo ng utang sa renta at attorneny’s fees na nagastos ng may-ari ng ari-arian para mapaalis kayo ng legal.

Ang magagawa mo lamang ay makipag usap sa may-ari at mangako na aalis kayo sa inuupahan at kaunting palugit lamang ang kailangan. Huwag na sana kayo makipaglaban pa dahil alam ninyo na wala na kayong karapatan manatili sa ari-arian.

May mga pag­kaka­taon kasi na may mga kababa­yan tayo na nanlalamang na lamang o taking advantage sa sitwasyon at tumitira sa bahay ng hindi nagbabayad ng anumang renta. Sana ay maisip nila na nakakaperwisyo sila sa may-ari kaya’t ang magandang magawa lamang ay sumang-ayon na umalis na lamang upang ang parehong partido ay hindi na maperwisyo at hindi na umabot sa demandahan.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attoerneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy