Una sa Balita

Ano ang malicious mischief?

By
0 883

Nabasa ko po ‘yung article ninyo tungkol sa isang kapitbahay na nireklamo dahil sa kinuha nila ang mga prutas na nahulog sa kanilang bakuran. Halos ganoon din po ang problema namin ngayon at ang pagkakaiba lang ay hindi nahulog nang kusa ang mga sanga ng puno ng kapitbahay namin kundi pinutol ko.

Noong nakaraang dalawang buwan ay napansin ko na nakakasagabal na sa aming bakuran ang mga sa­nga ng puno ng kapitbahay namin. Sinisira ng mga matitigas na sanga ‘yung bubong ng bahay namin at nagkakalat ng mga dahon.

Sinabihan ko po ‘yung kapitbahay na putulin na dahil sagabal sa amin ngunit ang sabi sa akin ay wala silang oras na umak­yat ng puno upang putulin ito. Lumapit ako sa barangay namin upang ipaalam ang reklamo ko ngunit hindi sumipot ang kapitbahay kaya’t wala ring nagawa ang barangay.

Abante Hiring – IT dep

Noong malakas ang ulan ay napilitan akong umakyat ng bubong at pinutol ko ang mga sanga dahil tumatama sa aming bubong ang mga ito. Nagalit ‘yung kapitbahay namin at sinabi na irereklamo niya ako ng malicious mischief. Hindi ko po naintindihan ‘yung reklamong sinabi niya.
Tulungan po ninyo ako.
Gumagalang,
Santi
***
Dear Santi,

Sa iyong kuwento ay naipakita mo na ginawa mo ang lahat upang maayos sana ang gusot tungkol sa nakausling sanga na lumag­pas na papunta ng iyong bakuran at sinabi mo na nakakasira na ng iyong bubong at nakakasagabal sa iyong lugar.
Kahit na sinabihan mo na ang may-ari ng puno ay hindi ka pa rin pinansin pati na ang patawag ng barangay.

Dahil sa ginawa mo naman lahat upang maiwasan ang gulo ay hindi ka maaaring mapara­tangan na gumawa ng malicious mischief. Ayon sa Art. 327 ng a­ting Revised Penal Code, ang malicious mischief ay isang criminal act na intensyonal na paninira ng ari-arian ng isang tao dahil sa iyong pagkainis o galit sa may-ari nito.

Dahil naisalarawan mo ang pangangaila­ngan ng pagputol ng mga sanga na lumagpas na papunta sa inyong bakod pati ang pagpapaalam mo sa may-ari at sa barangay tungkol dito ay mahihirapan na mapatunayan na ginawa mo ang pamumutol ng mga sanga dahil lamang sa labis na galit o pagkainis.

Pangalawa, pinapayagan ng ating batas na putulin ang mga sanga na lumagpas sa boundary line patungo sa bakod ng iba kung walang ginawa ang may-ari nito kahit na pinaki­usapan na tungkol sa obligasyon nitong putulin ang sanga ng kanyang puno. Huwag matakot dahil wala akong nakikita na lumabag ka sa batas.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa (02) 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com