Una sa Balita

Ano ang mabuting posisyon para sa babae

0 1,795

Dear Dra Holmes:
Ano po ang pinaka mabuting posisyon para sa babae.
Marika

Dear Marika:

Maraming Salamat­ sa sulat mo. Nakakatuwa ang iyong tanong: Mukhang napakasimple, pero sa katotohanan lang ay napakahirap sagutin. ‘Yan ay dahil hindi ako sigurado kung bago ko sagutin ang tanong mo ng maayos, kailangan ma-klaro natin ang ibig mong sabihin ng ‘mabuti.’

Ang ibig mo bang sabihin ay ang nakakabuti sa kanyang kalusugan? Kahit totoo na ang sex ay nakakabigay ng sigla at saya, hindi naman ito parang gamot na kung iinumin, ay nakakatanggal ng high blood (pressure) atbp.

Kung ang ibig mong sabihin ng mabuti ay ‘yung pinakamasarap para sa kababaihan, babalik nanaman tayo sa mahirap sagutin dahil ang sex ay napakapersonal at ano ang masarap sa isa ay maaa­ring masakit o hindi maginhawa (comforta­ble) para sa ikalawa.

Mahirap sumagot para sa lahat ng kababaihan. Mas maganda at mas kaya ng isang tao—kahit isang siolohista—ay sagutin ang pinakama­buti para sa isang partikular na tao. Dahil ang tanong na sagot ay ang pinakamabuting posisyon para sa kanya. Kaya, mas Mabuti rin na tanungin ang partikular na babae na gusto mong malaman ang pinakamabuti para sa kanya.

Isa pang paraan tanungin siya ay ano ang kanyang paboritong posisyon.

Hindi ko masagot ang paborito ng kahit sinong partikular na babae, pero ang masasabi ko lang siguro ay, ayon sa aking karanasan bilang sex therapist at sa iilang pananalastas, ang paboritong posisyong sekswal ng mga babae ay ang ‘missionary position.’ Ito ang ‘yung posisyon na ang lalake ay nasa iba­baw ng babae.

Sana nakatulong­ ako sa iyo today, dearest­ Marika. Ingat­—MG Holmes
Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes

http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy