Una sa Balita

Ano ang laban ni legal wife?

By
0 886

Dear Atty. Claire,

Gud pm po, gusto ko po sana humingi ng tulong kung paano ko po mapapadala ng civil case letter – alie­nation of affection ‘yung kabit ng asawa ko.

Sa ngyon po ay walang trabaho ‘yung asawa ko mula nu’ng nalaman ko ‘yung pakikiapid niya. Hindi na siya bumalik sa opisina nila.

Gusto ko po sana ireklamo formally ‘yung kabit niya para malaman niya na mali ang panla­landi niya sa mga lala­king may asawa.

May mga text po kasi sa akin ‘yung babae na mayaman daw sila at may pagawaan daw sila ng armchair etc. at kaya daw nila baliktarin ang korte. ‘Di ko nga po alam bakit siya pa matapang na magsalita sa amin nang ganu’n samantalang siya ang mali.

Ako ang legal na asawa pa ang tinatakot niya nang ganu’n. Sana po matulungan niyo ako, I am hurting and confused sa lahat. ‘Di ko po alam ano puwede kong gawin. Help me po.

Thanks,

Legal wife

***

Dear Legal wife,

Marami kang paraan na magagawa para mahinto ang pang-aabuso ng asawa mo at ng kanyang mistress. Kasal ka kaya sa iyo panig ang batas.

Kung malakas ang ebidensiya mo na nagsasama sila ng asawa mo ay piliting humanap pa ng isang witness o testigo na sila nga ay nagsasama bilang mag-asawa. Sa kuwento mo ay lumalabas na alam nu’ng mistress ang estado ng lalaki kaya maaari mo rin siyang kasuhan kasama ang asawa mo ng concubinage at Violation Against Women and Children (VAWC) o RA 9262 dahil sa emotional, psychological abuses na nararanasan mo.

Mainam na sumangguni sa isang psychologist upang may basehan ang nararamdaman mong trauma o pain dulot ng makasalanan nilang pagsasama.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com