Una sa Balita

Ano ang karapatan sa lupang kinatitirikan ng bahay?

By
0 1,908

Dear Atty. Claire,

Ako po si Meynard, gusto ko po malaman kung ano po ba ang karapatan namin sa lupa na tinitirikan ng a­ming bahay. Sa akin pong pagkakaalam, ang lupa po na tinitirikan ng aming bahay ay pagmamay-ari ng kapatid ng lolo ko sa side ng ­aking ama. Ngayon po ay namatay na ang kapatid ng lolo ko at ang mga anak nito ay binabalak nang kuhanin ang lupa sa amin.

Sa kasalukuyan po ay kinuha na nito ang aming paupahan na ang lupang tinitirikan ay pagmamay-ari rin ng kapatid ng lolo ko. Ang aking ama po ay sumakabilang buhay na kaya po pumayag na din ang aking ina na kuhanin sa amin ang aming paupahan sa takot na baka palayasin kami sa lupa.

Ang pagkakaalam ko po ay may part po ng lupa na nakapangalan sa aking ama. Paano ko po malalaman kung meron po ba talagang lupa na nakapangalan sa aking ama. Hindi po kasi ako close at ‘di nakikipag-usap sa mga matatandang kapamilya namin dahil na rin sa hindi naman sila dito nakatira sa lupang aming tinitirikan.
Meynard

***

Dear Meynard,

Base sa kuwento mo ay aminado kayo ng pamilya ninyo na ang lupa na inyong tinitirhan ay pag-aari ng kapatid ng lolo mo at ang pagtira ninyo ng mahabang panahon ay libre. Wala ka­yong maaaring makuha sa anumang parte lalo pa at hindi kayo masasabing builder in good faith dahil sa alam ninyo sa simula pa lang na mayroong nagmamay-ari ng lupa.

Ang ta­nging karapatan ninyo ay mabayaran kayo ng ne­cessary expenses dahil inalagaan naman ninyo at na-preserve ang kanilang lupa. Ayon sa Art. 452 ng Civil Code ay: The builder, planter or sower in bad faith is entitled to reimbursement for the necessary expenses of preservation of the land.

Bakit hindi kayo buil­der in good faith? Dahil sa simula pa lamang ay alam na ninyo kung sino ang nagmamay-ari nito.

Ang inyong paglagi at pagtira sa lupa ay malamang na hindi nila alam o kaya ay binabayaan na lamang kayo. Ngunit wala kang mapapakita na katibayan na kayo ay pinayagan na magtayo ng improvements sa lupa. Subalit sa tagal nang inyong paglagi sa lugar ay may presumption na kayo ay nanatili sa lupa thru tolerance.

Dahil dito ay may karapatan ang may-ari ng lupa na paalisin kayo nang hindi binabayaran ang anumang improvements na inyong isinagawa sa lupa ngunit makakasingil kayo para sa necessary expenses.

Ang karapatan ninyo tungkol sa paupahang bahay ay mag-demand ng kabayaran sa pagpreserba o pangangalaga ng lupa. Ang Supreme Court ay mayroong nagbigay ng desisyon sa kahalintulad na kaso na may titulo na Sps. Aquino, et.al. versus Sps. Aguilar, et. al. GR No. 182754 June 29, 2015 kung saan isinasaad na tanging necessary expenses ang maaaring makuha ng isang builder in bad faith kung saan na ang builder ay umaming mayroong may-ari ang lupa nang sila ay nag construct at nagsagawa ng improvements at sila pinayagang makatira sa isang lugar ng libre sa pamamagitan ng tole­rance.

Para malaman mo kung totoong may parte ang tatay mo sa lupa ay alamin mo sa Assessor’s Office ito at kumuha ka ng Certificate of Landholdings sa pangalan ng tatay mo o ng parents niya.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com