Una sa Balita

ANO ANG KANILANG IPAPRAYORIDAD?

0 85

Sabay-sabay na isinagawa kahapon ang turnover ceremonies sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa mga bagong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Kasabay nito, inihayag ng mga bagong opisyal ang kanilang mga prayoridad sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

* Sa Department of Trade and Industry (DTI), isinalin na ni outgoing Trade Secretary Adrian Cristobal ang panunungkulan sa bagong kalihim ng departamento na si Secretary Ramon Lopez.

Binigyan-diin naman ng bagong kalihim na pagtuunan niya ng pansin ang may kaugnayan sa entrepreneurship para sa isang mas mahusay at maayos na trade environment.

Si Ramon Lopez ay naging Philippine Center for Entrepreneurship – Go Negosyo’s Executive Director sa loob ng nakalipas na labing-isang taon.

* Sa turnover ceremony sa Department of Labor and Employment (DOLE), tiniyak ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na uunahin nitong i­prayoridad na tuldukan ang Endo o end of contract at kontraktuwa­lisasyon sa buong bansa.

Pahayag ito ng kalihim base na rin sa marching order ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na tapusin ang problema ng mga manggagawa na dumaranas ng endo at kontraktuwalisasyon sa mga kumpanya sa bansa.

Sa pamamagitan aniya nito ay maiaangat ang pamumuhay ng bawat Filipino na posibleng makabawas naman sa bilang ng krimen tulad ng pagnanakaw at panghoholdap.

* Sa Department of Justice (DOJ), siniguro naman ng bagong kalihim na si Secretary Vitaliano Aguirre II na tutuparin nito ang habilin sa kanya ni Duterte na linisin sa katiwalian at kurapsyon ang ahensya.

Aniya, tatlong bagay ang uunahin nitong solusyunan kabilang ang paglutas sa kurapsyon, illegal drugs at mga heinous crimes.

* Samantala, pagtutuunan naman umano ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez ang integrity, public service at common good.

Aniya, dadaan sa butas ng karayom ang lahat ng mga dokumento at permit ng mining dahil ayaw niyang may dumanas ng mga paghihirap pa dahil sa pag-abuso sa kalikasan.

* Magiging prayoridad naman ni bagong talagang Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang usapin sa territorial defense sa halip, ang internal security matters gaya ng isyu sa Abu Sayyaf.

Sinabi ni Lorenzana na ang usapin sa territorial defense ay “top priority” ng Duterte administration, maliban sa pagpupursigi ring masolusyunan ang problema sa Abu Sayyaf.

Samantala, kaugnay naman ng pagbili ng mga jets at warship, na mala­king bagay na magagamit para sa territorial defense, tinugon ni Lorenzana na ang 15 taong Modernization Plan ng AFP ay itutuloy nang nakaplano at naka-schedule.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy