Una sa Balita

Ano ang halaga ng Limber?

By
0 1,283

Sa derby, kapag malapit nang sumalang ay binibigyan ng mga organizer ng sabungan ng pagkakataon na ilimber ang mga manok na panlaban.

Ito’y upang magising at maihanda sa pakikipaglaban.

May kanya-kanyang istratehiya kung paano nila pakikilusin ang kanilang mga manok, karamihan sa mga handler ay nililimber nila ang kanilang panlaban kahit matagal pa bago tarian upang maobserbahan nila ang kilos ng manok at kung masyado nang tuyo ang ipot ng manok ay maaagapan agad ito, maaaring painumin ng tubig.

Kung basa naman ay may pagkakataon pa rin, pwede nilang pakainin ng pellet o mais para masipsip ang sobrang tubig sa katawan.

Ibig sabihin mahalaga ang Limber, malaking papel dito ay ang mga handler, sa maliwanag na pwesto naglilimber upang hindi masilaw ang manok pag-akyat sa ruweda.

Lahat ng paraan ng pagpapagalaw ay gagawin ng handler upang gumanda ang kilos at hindi aantok-antok sa ruweda ang kanilang panlaban.