Una sa Balita

Ano ang game plan ni Yeng vs Korea?

By
0 598

MATAPOS ang gold medal performance ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at ibang bigo na ating mga pambato sa iba’t ibang sports, pokus na ngayon tayo sa basketball competition sa Asian Games sa Indonesia.

Sa Lunes, alas-10 ng umaga (11 a.m. dito sa atin sa Pilipinas), haharapin ng national team natin ang South Korea na pinangungunahan ng dating Magnolia import na si Ricardo Ratliffe.

Sabi ni national coach Yeng Guiao, ibang game plan ang kanilang gagamitin kontra sa mga Korean.

Kung anuman ang game plan na ito, makikita na lamang natin sa sagupaan.

Napakahalaga nang labang ito sa dalawang bansa dahil ang mananalo ang papasok sa medal round at ang talo ay sa consolation round na lamang maglalaro.

Kontra sa mga Korean, “the three-point shoo­ting must be defended. They don’t have the length of China but they’re definitely quicker, they have ball movements and they have better shooters,” sabi ni coach Yeng.

Na-scout at napag-aralan na nang husto ng mga assistant ni coach Yeng – Caloy Garcia, Ryan Gregorio, Ford Arao at Ricky Umayam, ang estilo ng laro ng mga Korean.

Pinpointed na rin ang mga shooter. Ang problema nga lamang ay kung paano sila mapipigilan.

Sabi nga ni Gregorio, base sa kanilang nakita sa mga nakalipas na laban ng Korea kontra sa ­Mongolia, Indonesia at Thailand at sa FIBA World Cup qualifiers, hindi mo maituturo kung sino-sinong mga player ang puputok sa laro.

Apat na player ang walang kapagurang galaw nang galaw kaya mahirap hulihin kung sino ang titira.

Kung kumplikadong kalaban ang South Korea, walang dudang may antidote na si coach Yeng diyan at sa  laro natin ‘yan makikita.

Kilala na natin si coach Yeng . Hindi siya masalita o madaldal hindi tulad ng ibang coach na naunang humawak sa national team, at higit sa lahat, hindi ipinamamarali ang kanyang nalalaman dahil ang lahat ay idinadaan niya sa gawa.