Una sa Balita

Ano ang diskarte ni Yeng sa World Cup?

0 306

Kaunting paghihintay na lang FIBA World Cup na. Ilang sandali na lang ay makikipagsagupaan na ang Gilas Pilipinas.

Ano kaya ang magi­ging lagay ng ating pambansang koponan pagdating sa China? Nagsimula na ang ensayo nila coach Yeng Guiao, ano kayang klase ng diskarte ang gagawin nila sa pagkakataong ito?

Hindi ako naniniwala na swerte lang ang inabot ng Gilas sa qualifiers, dahil lahat ng iyon ay bunga ng kanilang puso at dedikasyon sa laro at sa ating bansa. Hindi kasi madali ang kanilang pinagdaanan para makarating sa China.

Nariyan ang suspensyon ng players, andiyan pa ang mga bagong mukha sa team at mga nagbabalik rin. Interesting­ ito dahil ibang coach ang mamumuno ngayon sa pambansang koponan natin.

Sabihin na nating hindi maganda ang lagay ng team ni coach Yeng sa PBA pero hindi ibig sabihin noon na ganoon na rin ang kahihinatnan ng ating beloved Gilas.

Nitong nakaraang qualifiers ay halos parehong sistema rin ang ginamit ni coach Yeng sa Gilas at NLEX, pero siguro sa pagkakataong ito ay iibahin niya ang sistema dahil Worlds na ang pinag-uusapan.

Kung tikas at lakas lang naman ay talagang parehong mayroon niyan ang mga makakatapat natin. Pero naniniwala ako na mas lalabas ang puso ng ating mga manlalaro ngayon, ibang usapan na ito at talaga namang to the highest level na mga Ka-Abante.
So huwag nating kalimutang ipagdasal at suportahan ang Gilas Pilipinas, tandaan natin na hindi lang sila lumalaban para sa kanilang mga sarili kundi para sa ating bansa at para sa ating mga Pinoy!

Laban Pilipinas, puso!

***
Usapang trade tayo mga ka-Abante. Nagkagulo ang fans lalo na ng Ginebra nang kanilang malaman na wala na si Sol Mercado, Kevin Ferrer at Jervy Cruz.

Naging maingay ang basketball fans sa nangyaring palitan na ito, ka-Barangay na si Stanley Pringle, hindi lang isa kung hindi dalawa na ang bagong salta ngayong Commissioner’s Cup sa team ni coach TimCone.

Mabilis na guwardya ang bagong addition sa team, isama mo pa diyan ang lupet sa loob ng court ni Jared Dillinger. Pero bigyang focus natin ang tatlong manlalaro na nalipat na mga miyembro na ng Batang Pier.

Balik sa kanlungan ni coach Pido Jarencio ang dalawang Tigers na sina Ferrer at Cruz. Para sa akin mas okay ito para sa dalawang manlalaro, mas pabor ito sa kanila dahil mas mabibigyan silang maipakita ang kanilang tunay na talento.

Nariyan si Mercado na magbibigay serbisyo sa NorthPort, maganda ang simula ng confe­rence na ito para kay Sol kaya kagulat-gulat talaga ang nangyaring trade sa parte niya. Sa totoo lang, wala naman tayong dapat ipag-alala sa kaganapang ito dahil para sa akin mas gaganda ang career nila.

Dito sila mas magsa-shine, dito sila mas mahuhubog pa bilang mga manlalaro. Mahirap iwan ang dati mong team lalo na kung Ginebra, subalit life goes on, sabi nga God has better plans. Kaya sa inyong tatlo na mga bagong Batang Pier, just trust the process and keep the faith.

Heads up lang at pagpatuloy pa rin ninyo ang pagmamahal sa basketball, sa liga at sa inyong fans. God bless sa inyo!

***

Muli, mga ka-Abante, patuloy po ninyong suportahan ang aming show ni Bes Ramil, Sportalakan, tuwing Martes, 6pm.

Salamat po. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy