Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Annis, Filipinas magpapasiklab

0 56

SABIK na ang mga football enthusiast na mapanood ang  Philippine Women National Football Team sa kanilang nalalapit na laro para sa ASEAN Football Federation Women’s Championships 2022 dito sa bansa.

“I think it will just mean that much more to play in front of our friends and supporters since we’ve been playing kind of all over now and haven’t really got to have that home-field advantage, home-field crowd,” ayon sa midfielder na si  Tahnai Annis, isa mga pambato ng Filipinas na mas kilala sa dating pangalan na Malditas.

Kaya naman una sa listahan ng koponan, ayon sa  head na si Alen Stajcic, ang podium finish.

“Trying to get to that podium is definitely a priority,” pahayag ni Stajcic na nais sundan ang bronze medal finish sa nakaraang 2021 Hanoi SEA Games.

Naigiya ni Stajcic ang koponan sa matagumpay na kampanya sa AFC Women’s Asian Cup 2022, na siyang nagbigay sa kanila ng ticket para sa FIFA World Cup 2023, sa tulong ng main midfielders na sina Quinley Quezada at Annis.

Magiging main hub ng Filipinas ang Rizal Memorial Football Stadium kung saan mapapanood ang unang laro ng mga ito ngayong Lunes (Hulyo 4) kontra Australia ganap na alas-4 ng hapon,  habang  sa Hulyo 6 naman ay kakaharapin nila ang Singapore.

Kabilang din sa mga gagamiting venues para sa naturang Football event ay ang Binan Football Stadium at Imus Grandstand. (Annie Abad)

Leave A Reply

Your email address will not be published.