Una sa Balita

Anne wagi sa hatawan, biritan kina Sarah, Regine

By
0 494

Hindi na kami magugulat kung ang promise ni Anne Curtis na ang naganap na concert niya sa Araneta Coliseum na Anne Kulit: Promise Last Na ‘To ay hindi matupad.

Base sa third concert niya after ng apat na taon since her last and second concert sa Araneta, hindi pa rin nabi­go ni Anne ang mga taong nanonood. In fairness, ang ganda ng lahat ng production number. Walang boring moment mula sa opening ni Anne.

Ang ganda rin ng mga performances ni Anne kasama ang mga singers talaga. Both Sarah Geronimo and Regine Velasquez encouraged­ Anne to reconsider yung promise niya na last concert na niya.

Ang ganda ng sinabi ni Regine kay Anne. Sabi niya, “Bakit naman last na? Magbe-baby ka na? Puwede ka naman mag-baby, ako nga tingnan mo, o, nag-baby ako ‘tapos kumakanta pa rin ako.

“An entertainer will always be an entertainer. A performer will always be a performer and, you know what, you have an audience watching you and who’s very happy to see you.

“We pray that this would not be your last.”

Nakipag-hatawan din si Anne ng sayaw sa napakahusay na si Sarah at nakipagbiritan with no-less Asia’s Songbird.

Equally nakaka-happy rin ang number niya with Aegis (na ang Mommy ni Anne ang pinaka-masaya dahil idol raw nito), James Reid at Ex-Battalion.

Anne feeling K-pop sa concert

Hindi nawala sa umpisa pa lang ang pagiging K-drama addict ni Anne. Ibinahagi nito ang mga pictures at video habang nasa Seoul siya. Bahagi raw talaga ng 21 years niya sa showbiz ang pagiging K-drama addict.

Aliw ng K-pop medley ni Anne mula sa mga hit songs ng Momoland, 2NE1, BTS at BLACKPINK.

At sa concert din na ito ni Anne lalong napatunayan na wala itong takot sa height! Isa na naman nga raw sa pangarap niyang natupad.

Sabi nga ni Anne, she has been blessed so much kaya raw when you’re blessed, you have to share your blessing. Bahagi ang pagi­ging UNICEF ambassador niya at ang kanyang Dream Machine sa pagsi-share niya ng mga bles­sing, lalo na sa mga bata.

Part of the proceeds din ng concert ay mapupunta sa rehabilitation ng Marawi kaya sobra itong nagpasalamat sa patuloy na sumusuporta at pinapanood ang mga kabaliwan niya.

Ilan din sa mga nakita na­ming nanood na celebrities ay ang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Hayden Kho, Matteo Guidicelli at Maine Mendoza.

For a non-singer, ewan kung may makagagawa pa nga ba ng record ni Anne na tatlong major successful in Araneta.