Una sa Balita

Anne wagas ang hirap sa ‘BuyBust’

By
0 1,664

Isang malaking challenge kay Anne Curtis ang movie niyang BuyBust ni Direk Erik Matti.

Inamin ni Anne na malaki ang hirap niya sa movie na ito na kahit anong hirap at naiiyak na siya pero pinigilan niyang lumuha para ipakita sa kasamahan niyang artista na kahit babae siya ay kaya niyang makipagsabayan sa mga lalaki na pulos mga sundalo ang dating.

Natatawa ang mga cast na kinabibilangan nina Victor Neri, Arjo Atayde, Brandon Vera, Joross Gamboa, Noni Buencamino, AJ Muhlach at iba pa ang mga naging karanasan nila habang ginagawa ang pelikula. Si Mara na anak ni Isabel Lopez ay kasama din sa movie.

Abante Hiring – IT dep

Knowing Direk Erik Matti ay inabot nang matagal ito bago nabuo ang movie. Wala naman pagsisisi ang buong cast at nagapasalamat pa sila at naging parte sila ng project na ito.

Sa August 1 ang ope­ning date ng showing nito.

Aktor isinusuka ng dating ka-loveteam

Sa naganap na GMA Thanksgiving Party noong Biyernes ng gabi ay sama-samang nag-enjoy ang mga GMA executive at mga artista nila sa isang napakasayang gabi. Lahat ay sama-samang nagkantahan at sayawan. Akala naming dinner lang dahil event ‘yun ni Atty. Felipe Gozun na hindi nagpupuyat pero kabaligtaran pala.

May mga tinawag sa stage para maki-jam sa banda at isa dito ay da­ting magkasama sa ilang programa in the past. Ang babae pa daw mismo ang tumawag para paakyatin sa stage ang co-actor.

Habang nagkakantahan daw ay marami ang nakakita sa inasal ng babae na tatak na niya at kaya inaayawan makatrabaho ng iba. Mistulang sukang-suka ang aktres habang ka-duet ang dating ka­tambal sa ilang teleserye.

Umiling na lang ang actor at hindi na ito pinatulan. Pero noon baliw na baliw sa aktor ang aktres na halos ayaw ng bumitiw sa una. Mukha naman daw kabibe ang ipinalit. Ano ba ‘yan????

Nora kinasasabikan sa ‘Onanay’

Mukhang anytime soon ay eere na rin ang Onanay kung saan si Ms. Nora Aunor ang kasama. Sinabi sa akin ng isa sa cast na mag-uumpisa na silang i-promote ang programa. Kaya excited na ang mga Noranian sa nalalapit na pag-ere nito.

Ganun din daw ang Ika-5 Utos na panghapong teleserye. Mag-uumpisa na rin sila ng promo at mukhang may magtatapos na rin sa hapon. Alin kaya sa tatlo na lahat ay malalaman sa ratings. Abangan na lang natin.