Una sa Balita

Anne, Vice, Vhong, Jhong live na napanood sa It’s Showtime

0 796

Sa unang pagkakataon, mula noong mag-enhanced community quarantine, live na napanood sa telebisyon ang mga momshy ng “Magandang Buhay” at mga host ng “It’s Showtime” noong Huwebes (Mar 26).

Naging posible ang live airing gamit ang Zoom app, at ito ang unang beses na ginawa ito sa telebisyon.

In fairness sa ABS-CBN, talagang hindi sila nauubusan ng paraan para makapagpasaya sa mga manonood nila. Siyempre, ilang araw nang re-run lang ang napanood at siguradong nami-miss na ng mga manonood ang paborito nilang mga host.

Sa “It’s Showtime,” walang sawang kulitan ang naganap. Nandoon si Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Direk Bobet Vidanes, Karylle, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at ang bagong panganak na si Anne Curtis live mula sa Australia.

Kahit pa live lang ang show gamit ang Zoom app, nagkaroon pa rin ng pagkakataon bumida ang madlang people dahil dalawang pamilya mula Pampanga at Capiz ang nag-uwi ng P15,000 matapos nilang mag-send ng videos habang sinasayaw ang “Corona Bye Bye Na” na bagong single ni Vice.

Nagpaandar din ang hosts dahil may kanya-kanya rin silang dance videos sa kanta ng unkabogable star. Nagkaroon pa sila ng laro na “Trip Talk” kung saan nagpaunahan ang hosts na sagutin ang mga tanong ni Tyang Amy.

Sa “Magandang Buhay,” live ding nakipagchikahan sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Canitveros.

Una sa guests nila si Alex Gonzaga na nagkwento sa kanilang pag-pack ng relief goods para sa mga pamilyang nahihiparan dahil sa ipinatupad na quarantine. Ikinuwento pa ni Alex na napagdaanan na rin niya at ng kanyang pamilya ang mga panahong ‘di nila alam kung kailan sila ulit makakain, kaya nakaka-relate siya sa mga pinagdadaan ng mga kababayan natin.

Sumunod din ang isa pang momshie na si Pokwang na nag-demo ng simpleng ulam na pwede gayahin sa bahay. Nagbigay rin ng advice ang public health expert na si Dr. Susan Mercado kung paano makakaiwas sa COVID-19, samantalang tungkol naman sa pananampalatay ang pinag-usapan kasama si Fr. Tito Caluag.

Nakakatuwa na muli nang napapanood ng live ang ilang shows ng ABS-CBN. Malaking tulong ito para kahit papaano maibsan ang lungkot at pangamba na dala ng COVID-19. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More