Una sa Balita

Anne, Vice nangangalap ng pirma sa ABS-CBN franchise renewal

0 652

Sina Vice Ganda at Anne Curtis ang mga latest Kapamilya star na pumirma at nang-engganyo ng kanilang mga fan, follower na pirmahan ang online petition na hinihimok ang Kongreso na ipasa ang panukalang batas na magre-renew sa franchise ng ABS-CBN.

As of this writing, mayroon na ngang halos 70,000 katao ang pumirma at nagpakita ng suporta para sa Kapamilya network.

“Love and Support for the network that is our FAMILY. Sign and Share,” saad ni Vice sa kanyang Twitter post noong Lunes (Enero 20).

“WE WILL NOT LOSE OUR FAMILY,” dagdag pa niya sa isang tweet.

Mula Australia, nag-post naman si Anne sa kanyang Twitter account ng: “Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost.”

Sina Vice at Anne ang dalawa sa most followed na mga Pinoy celebrity sa naturang social media platform, kaya naman ilang minuto pa lang matapos nilang mag-post ay marami na ang nag-retweet at nagkomento sa panawagan niya.

Ang petisyong ito sa change.org ay ginawa ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at target na makakuha ng isang milyong pirma. Kalakip ang hashtag na #NoToABSCBNShutdown, sinaad ng petisyon na pambabastos sa demokrasya ng bansa at press freedom ang bantang pagsasara sa network.

Bukod kina Vice at Anne, sinuportahan din ng Broadway superstar at “The Voice” coach na si Lea Salonga ang panawagang ito at nag-post sa Twitter niya ng, “Yes, I have personal and professional reasons for this one. Not gonna lie.”

Kasama rin sa dumadaming Kapamilya stars na nagbahagi at pumirma sa online petition sina Sunshine Cruz, Ogie Alcasid, Agot Isidro, Ria Atayde, Ogie Diaz, at JC De Vera.

Sino-sino pa kaya ang big stars ng network ang susunod na magsasalita para suportahan ang ABS-CBN? Abangan natin!

***

Julia, Erich panis sa vlog ni Kathryn

Malaking banta na nga si Kathyn Bernardo sa mga artistang nauna na ngang nagkaroon ng YouTube channel. Bukod sa nag-trending agad ang ‘Happy 1M’ dahil umabot na sa 1 million ang subscriber niya sa YouTube, hindi rin bumababa sa isang milyon ang mga nanonood sa mga video niya.

Eh kasi nga, kilig na kilig ang mga fan sa Iceland adventure nila ni Daniel Padilla.

At ang vlog na yata ang humakot ng pinakamaraming comment, ha!

Sabi ni @florenzoliver, “Pag kay Kathryn, cute ang mura. Nasan ang hustisya?”

Sa interview kay Kathryn, sinabi niya na si Daniel ang nakaisip na mag-vlog sila.

Ayon sa Kapamilya star, hindi naman sila pressured na gumawa ng content. Kung kailan lang daw nila feel, at saka sila gagawa.

Pero ‘yun na nga, panis ang vlog nina Julia Barretto, Erich Gonzales sa bagong-bago na vlog ni Kathryn, ha!

***

Mga Taal victim kinalinga ng Sagip Kapamilya

Sa kabila ng pinagdadaanang pagsubok ng mga taga-Batangas dahil sa pagputok ng Bulkang Taal, nakadama ng kalinga ang daan-daang pamilyang kinailangang ilikas sa pagdating ng tulong mula sa ating mga kababayan.

Ayon sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation, noong Enero 19 (Linggo), umabot na sa 12,859 na pamilya o 64,295 na mga indibidwal na ang nakatanggap ng relief packs.

Samantala, 5,403 katao naman ang nahainan ng mainit na sopas mula sa kanilang soup kitchen, at 663 indibidwal ang binigyan ng psychological first aid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More