Una sa Balita

Anne todo hagulgol pag-alis sa ‘Showtime’

0 645

Mixed emotions ang feeling ni Anne Curtis kahapon. Farewell episode kasi niya sa kinabibilangang noontime show na “It’s Showtime”.

Maternity leave na siya dahil sa pagbubuntis niya.

“Naiiyak ako na ewan. Hahaha. But I know you guys understand why and all are happy for new chapter in my life,” bahagi ng tweet ni Anne.

Sa totoo lang, naging maganda ang taong 2019 kay Anne pagdating sa career niya. This time, haharapin naman niya ang motherhood role sa pagsilang ng panganay na babae nila ni Erwan Heussaff.

Mother Lily bilib sa mga batang director

Ratsada pa rin si Mother Lily sa pag-produce ng movies sa 2020!

Ayon sa Regal producer, bibigyan niya ng break ang mga millennial director sa bagong projects ng film outfit niya.

Ngayong Pasko naman, nasa bahay lang si Mother. Bukas, December 25, ay birthday ng asawa niyang si Father Remy Monteverde.

Ang unang pasabog na movie ng Regal sa January ay ang “D’ Ninang” na pagbibidahan ni Ai Ai delas Alas. Kasama niya rito sina Joey Marquez, McCoy de Leon at Kisses Delavin. Mula ito sa direksyon ni GB Sampedro.

Nakalinya rin next year ang isang horror movie na kinunan sa Japan. Bida rito sina Joseph Marco at Ritz Azul.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More