Una sa Balita

Anne tikom ang bibig sa honeymoon, pagbubuntis

0 393

Iwas na si Anne Curtis na sumagot ng anumang tanong tungkol sa kung kailan sila magkakaroon ng anak ng mister na si Erwann Heussaff. Isang taon na rin silang kasal at kamakailan lang nga ay nag-honeymoon sila sa Africa.

Pero kumpara sa ibang artista na natatanong tungkol sa pagkakaroon ng baby, especially at mag-asawa na, itinuturing ni Anne na personal question na raw ito.

Nakangiting sagot naman niya, “I think that’s a very personal question again. But you know what, I think it will happen in God’s time and of course, when it happen, I’ll gonna share it with everyone.”

Mas super private na para kay Anne ang tanong kung may nabuo kaya sa pagha-honeymoon nilang mag-asawa.

Anyway, si Anne ang bida ng 2018 MMFF entry ng VIVA Films at Aliud Entertainment na “Aurora” na kinunan sa Batanes at naiibang klase raw ng horror film. May mga nagsasabi na nga na ‘di-malayong lumaban si Anne sa pagka-Best Actress.

Pero ayaw raw niyang mag-expect pagdating sa award o kahit sa magiging standing sa box-office ng movie niya na dinirek naman ni Yam Laranas.

Sabi na lang ni Anne, “Hindi, hindi ko siya iniisip na ganun.

“Basta ako, I just did a really good film kaya sana mapanood.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy