Una sa Balita

Anne talunan sa lipstick ni Vice Ganda

By
0 413

Kinabog ng lipstick ni Vice Ganda ang ­lipstick ng “It’s Showtime” co-host niya na si Anne ­Curtis dahil nakapagtala ito ng isang ­kakaibang world record!

Na-break ni Vice ang kasalukuyang record sa Guinness World Record na “gathering of thousands of people to apply lipstick at the same time”.

Tagumpay si Vice na mapagsama-sama ang mahigit 6,900 people sa Araneta Coliseum para sa promotion ng kanyang cosmetic brand na Vice Co.

Ang dating may hawak ng record na ito ay isang international cosmetic company sa China na nakapag-gather ng 5,840 people noong 2015.

Higit na isang libo ang lamang ni Vice sa previous record holder kaya ma­sayang-masaya siya sa achievement na ito.

“Sa lahat sa inyo — girl, boy, bakla, tomboy — na naki-participate, give yourselves a big round of applause,” pagpapasalamat pa ni Vice.