Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anne takot bumalik ng ‘Showtime’

0 102

Panay na ang paandar ni Anne Curtis sa social media. Naglalabasan na rin ang iba’t ibang (sexy) pictorial niya ng mga ini-endorse niya.

Tulad nga ng post niya tungkol sa Recess na gamit niya kapag nagi-exercise siya. Kitang-kita nga na balik na sa dating porma ang kanyang kaseksihan.

Pero, marami ang nagtatanong, kailan ba siya babalik sa ‘It’s Showtime’? Lalo na ngayong palaging naka-live na ang show na ito nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at iba pa.

Anyway, chinika ni Vice na takot pa ngang lumabas si Anne ngayon. Tinawagan nga raw siya nito noong bumalik sila sa pagla-live last Monday, at tinanong siya kung hindi ba siya natatakot, dahil si Anne nga raw ay takot pa ring magbalik trabaho.

Sabi ni Vice, siyempre takot, pero kailangan niyang lakasan ang loob, dahil kung panghihinaan siya ng loob, manghihina rin ang loob ng mga kasamahan niya.

Gretchen, Marjorie inalala, pinusuan ang Boracay trip 2013

Marami ang natuwa nang makita na parehong nagkomento ang magkapatid na magkaaway na sina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto sa photo na pinost ni Arlene Muhclach sa Instagram.

“This trip was sooo much fun!” caption ni Arlene.

Kasama ni Arlene sa photo sina Gretchen, Marjorie, Precy, Liezel.

Komento ni Gretchen, “That long ago.”

Sey naman ni Marjorie, “June 2013. Wonderful memories.”

Parehong may pulang puso ang komento ng dalawa.

Well, nangyari nga ang photo na `yon sa trip nila sa Boracay noong June 2013. At dahil pareho ngang nagkomento ang magkapatid, marami ang nag-wish na sana ay magkabati na sila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.