Una sa Balita

Anne super hagulgol sa b-day wish ni Teddy

0 554

Sampung taon nang umeere ang “It’s Showtime” sa telebisyon, kaya naman parang tunay na pamilya na ang turingan ng hosts ng noontime show.

At muli nilang pinatunayan ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa birthday celebration ni Teddy Corpuz. Tinanong nila ang rock star kung ano ang wish niya para sa kanyang 41st birthday.

“‘Yung wish ko, hindi [para] sa akin, e. Ang wish ko talaga maging healthy at maging complete ‘yung baby ni Anne… Walang labis, walang kulang.” Nagpasalamat si Anne Curtis kay Teddy at bigla na lang naluha dahil na-touch daw siya sa sinabi ng “kapatid.”

“Naiyak ako! Happy birthday, Teddy. Thank you for sharing your birthday wish with my baby. God bless you even more,” sabi ni Anne habang naluluha.

Nag-aya pa si Anne ng group hug para ipadama kay Teddy na mahal siya ng “It’s Showtime” family. Pero siyempre, naisingit pa rin ni Vice Ganda na magpatawa sa gitna ng madamdaming moment.

“Aray,” sabi ni Vice habang hawak ang tiyan na para bang buntis din.

“Teddy, I can feel something inside me. Can you wish something for my dyspepsia,” sabay tawanan ang lahat.

Sa isang dekadang pag-ere ng “It’s Showtime” sa telebisyon, nakita na natin kung paano naging isang pamilya ang hosts ng palabas. Sana nga mas tumibay pa ang kanilang samahan sa pagtagal ng panahon. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More