Una sa Balita

Anne sinita ang sobra-sobrang filter sa mukha ni Vice Ganda

0 704

Masayang-masaya si Vice Ganda sa tinatakbo ng kanyang buhay, kaya naman tuloy rin ang pamimigay niya ng blessing sa iba.

Marami na ngang hiling ang mga fan na nabigyan niya ng katuparan. Nandiyan ‘yung may pinadalhan siya ng makeup collection.

At sa mismong show nila na “It’s Showtime”, maraming madlang pipol na rin ang natulungan ni Vice.

Anyway, kaaliw ang kulitan nina Vice at Anne Curtis bago sila manood ng concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez nu’ng Sabado ng gabi sa Araneta Coliseum.

Sa bahay ni Vice nagbihis, nagpalipas ng oras ang dalawa. At sa kama mismo ni Vice ay kinunan niya ng picture si Anne na katabi ang Vice Ganda Cosmetics, kahit alam naman ng lahat na may ini-endorse rin si Anne na sarili niyang brand.

At nu’ng nasa van na sila, panay ang video ni Vice, gamit ang iba’t ibang filter. At sa video na magkatabi ang mga mukha nila ni Anne, hindi napigilan ng aktres ang magdayalog na…

“Grabe ang filter! Hindi naman ganiyan ang itsura mo kanina!” sambit ni Anne na patawa-tawa.

Meaning, sumobra ang ganda ni Vice sa video na ‘yon.

“Ay, basher ka talaga! Inggitera! Basher ka!” sabi ni Vice kay Anne.

Sarap panoorin ng kulitan nilang dalawa.

***

Lie ng ‘PBB Otso’ ‘di na nangungutang

Matutupad talaga ang pangarap mo basta magsikap ka lamang, at patunay diyan si Lie Reposposa ng “PBB Otso.” Matatandaang una siyang sumali sa “Tawag ng Tanghalan” pero hindi siya pinalad manalo, pero ito rin ang nagbigay-daan sa kanya para mapansin ng Star Hunt management at maging housemate ng “PBB.”

Kaya sa pagbabalik niya sa “TNT” nu’ng Miyerkoles (Oktubre 16) bilang celebrity contender, masayang-masaya si Lie na ibinahagi na ang laki na ng ipinagbago ng buhay nila mula nang sumali siya sa singing competition.

“Dati, nangungutang kami… Nakakaluwag-luwag na rin po. Hindi na nangungutang masyado,” kuwento ni Lie.

Bongga ha, dahil halos isang taon pa lamang mula nang sumali siya sa “TNT” at maging housemate ni Kuya, pero ngayon sunod-sunod na ang blessings. Naging batch winner siya ng first batch ng “PBB Otso” teens, tapos naging 6th Big Placer pa siya, at higit sa lahat, nagagawa niya na ang pangarap niyang umawit sa harap ng madlang pipol.

Hindi siya muling pinalad makapasok sa next round ng celebrity edition ng “TNT,” pero hindi pa rin siya talo dahil ang pagbabalik niya sa “It’s Showtime” ay nagpakita sa lahat na walang imposible kung sisikapin mong abutin ang mga pangarap mo.

***

JM binu-bully ng tatay ni Ria

“My mom loves him, parang mas close pa sila. With Arjo very good even with my younger siblings. Binu-bully din siya ni Daddy. If my dad bullies you it’s a sign naman na ok,” kuwento ni Ria Atayde kay Boy Abunda tungkol kay JM de Guzman.

Kaya naman tinanong ni Tito Boy kung ano na ba ang status nila.

Sagot ng bida sa “Parasite,” nasa getting to know each other pa rin sila pero may pag-asa namang mag-level-up.

“Friends with mutual respect and I guess and alam mo na pwede talaga. Because we click very well and I can be myself my true self without being judged. I think that is very important. Nakikita ko na rinerespeto niya ako and he cares,” saad niya.

Nang tanungin naman siya ng award-winning host kung ano ang pumipigil sa kanilang maging mag-jowa:

“We are both coming from heavy history so hindi lang siya ‘yung hindi ready kundi ako rin.

“Walang pambabasted kasi wala namang tanong na nagaganap,” sabi ni Ria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy