Una sa Balita

Anne pini-pressure mabuntis

By
0 8,950

Hindi napi-pressure si Anne Curtis na magbuntis, o magka-baby na sila ng mister na si Erwan Heussaff. Darating din naman daw ang bagay na ‘yon.

Nakakaloka lang dahil ang ibang tao pa ang mas napi-pressure, at may iba na pini-pressure siya na mabuntis na.

Kaya sabi ni Anne, mas napi-pressure raw siya kapag tinatanong ng tungkol doon.

Abante Hiring – IT dep

Basta sa ngayon, abala pa rin si Anne sa kaliwa’t kanang mga business niya at ang pinakabago nga ay ‘yung cosmetics line niya.

Magaling humawak ng business si Anne kahit busy rin naman siya sa kanyang showbiz career.

Ruffa, Donita pinagtawanan ni Eugene

If there’s one showbiz friendship na talaga namang masasabing ma­tatag pa rin, ‘yun ay ang friendship nina Ruffa Gutierrez at Donita Rose. Panahon pa ng That’s Entertainment ay magkaibigan na sina Ruffa at Donita at napakarami na nilang pinagdaanan, pero hanggang ngayon nga ay friends pa rin sila.

Although hindi naman ‘yung tipong palagi na lang silang nagkikita at nagba-bonding, pero once na magkita’t magkasama nga sila, asahang hindi matigil ang kanilang tsikahan.

Ang friendship na ‘yon ang dahilan kung bakit kahapon ay parehong excited sina Ruffa at Donita nang mag-guest sa Celebrity Bluff ng GMA 7. Sila nga ang magka-partner as players at siyempre, maraming naaliw sa dalawa sa taping ng nasabing show.

Laugh trip din kasi kapag magkasama ang magkaibigan, kaya naaliw-aliw sa kanila ang mga taga-Celebrity Bluff lalo na ang host na si Eugene Domingo.

Solenn, Paolo naloka kay Maricel

Sa May 9 na ang showing ng My 2 Mommies ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff. Obvious na sina Paolo at Solenn ang nasa tittle ng pelikula, pero siyempre, marami rin ang excited sa bagong pelikulang ito ng Diamond Star na si Maricel Soriano dahil aliw rin ang dating niya sa teaser ng pelikula na si Eric Quizon ang direktor.

In fairness to Maricel, parang palaging excited ang mga fan kapag may bago siyang showbiz project, huh! Actually, pati sina Paolo at Solenn ay sobra rin ang excitement na nakasama nga nila si Maricel sa My 2 Mommies.

Mas naging masaya raw sa set dahil ang Diamond Star nga ang kasama nila roon.

Feel ko rin kung hindi si Maricel ang kasama sa pelikulang ‘yon ay hindi magiging sobrang aliw ang dating ng My 2 Mommies dahil sa teaser pa nga lang ay nakakatuwa na si Maricel, huh!