SPECIAL FEATURE:

Anne, PABUBUNTIS/PAKAKASAL na kay Erwan sa 2019

“No need na ng honeymoon! Baby na agad!” -- Anne

By

Sa tantiya ng mga tao sa paligid ni Anne Curtis, tatlong taon na lang ang itatagal niya bilang ‘single’ dahil mukhang sa 2019 ay pakakasal na talaga siya kay Erwan Heussaff.

“We’ll see. Alam naman natin lahat na when you get married, everything will change. But it will come. It will come.

“Sa tingin ko, hindi naman siguro aabutin ng 3 years…” tsika ni Anne.

Pero, napi-pressure na ba siya, o napipikon kaya, dahil palagi na lang siyang inuusisa, kung kailan ba siya pakakasal kay Erwan? At ang paganda nang pagandang career ba niya ang dahilan kung bakit parang nauudlot pa rin ang pagpapa­kasal niya?

“Ah, hindi naman siguro ganun na because of gumaganda ang career, mauurong na. Pero, more or less, we have an understanding na rin naman ni Erwan. Siyempre, napag-uusapan na rin namin ito.

“Pressure ba? Non-stop nga ang mga tanong on both our accounts, eh. Natatawa kami. Tapos kunyari, mag-post lang kami together, relationship goals, sana kayo na next magpakasal.

“Pero, hindi naman nakaka-pressure. Actually, nakakatuwa. Kasi, there are so many people na like, you know, looking forward to it.”

Pero, sure ka na ba na kayo na ni Erwan ang magkakatuluyan?

“Hindi naman kami magtatagal ng ganito, kung hindi, ‘di ba?”

May mga nagsasabi na baka dahil sa sobrang tagal na ng relasyon nila, magkasawaan sila, at mauwi sa wala ang lahat?


“Officially 6 years na kami. Hindi naman nakakatakot `yon. First time ko na mag-long term, eh. Pinakamatagal ko kasi mga 3 years. Ang saya nga kasi 6 years na. Ang saya lang.”

Career, hindi pa kayang i-give up ni Anne para kay Erwan!
“Pareho kaming career oriented!” — Anne

Mahirap bang i-give up ang career para sa pag-aasawa?

“I think it is, kasi we all know naman na the Philippine entertainment industry ay hindi parang Hollywood, na even when you’re a mom na, you can still be a leading lady and hot, ‘di ba? Parang Angelina Jolie.

“Pero who knows, in the coming years, baka mabago rin `yung ganun dito sa showbiz natin.”

Pero, ikaw ba kaya mo na i-give up ang routine ng buhay mo ngayon? Na sikat na sikat ka pa rin, marami pa ring trabaho.

“If it happens, it happens. Siyempre, ayoko naman magsabi na hindi ko kaya, tapos bigla na lang, malalaman niyo pakakasal na pala ako.

erwan-anne
Erwan at Anne

“Marami pa akong ginagawa ngayon kaya siguro hindi pa `yon masyadong naiisip ngayon.”

Si Erwan ba, gusto na siyang pakasalan?

“Bumu-bongga rin ang career niya, eh. We’re both very much career oriented. So, basta… Mangyayari na lang `yon kung mangyayari.

“Pero, wala pa kami sa point na napag-uusapan na ang venue. Wala pa!” giit ni Anne.

Pero, tama nga lang siguro na 3 years, o sa 2019 na sila magpakasal, dahil nga by that time, 34 na siya, at dapat na siyang mag-anak.

“I think ‘yun ang right age. 31 na ako ngayon, so, mga 3 years pa nga.”

Kailangan nga rin kasi niyang maghabol ng panahon para magka-baby. Habang nagkakaedad ang babae, nahihirapan na sa pagbubuntis, ‘di ba?

“Yeah, parang `yung iba, mga ganung age rin sila nagpakasal.”

“2 kids ang gusto ko!” — Anne

Marami sa mga friends mo ang may asawa at mga anak na.

“Yeah, kanya-kanya naman `yon, eh. Nag-i-enjoy pa kami (ni Erwan) na mag-travel. Magbabago kasi `yon when you have a baby na. Sa ngayon, gusto pa naming mag-travel ni Erwan. Like Iceland, South Africa, marami pa.”

Pwede naman mag-travel kahit kasal na, ‘di ba?

“Yeah, puwede naman. Pero,  iba pa rin kasi ang career, at iba rin ang family.”

Pero sabi nga, career pa rin ang priority niya ngayon, pero hindi naman daw siya magsasayang lang ng oras sa long term relationship, kung hindi rin lang sa kasal ang bagsak.

“Eh, kakapirma ko pang ulit ng 3 years sa ABS-CBN, so work na muna.”

“Pero mga 34 talaga ko gusto ko na ring mag-anak. At gusto ko, 2 kids din. Puwede pa naman `yon. Parang ano kasi, puwede ka naman mag-enjoy nang mag-enjoy, tapos kapag kinasal ka na, baby na kaagad.

“You don’t have to `yung mag-honeymoon pa, kasi na-enjoy n’yo na together ang isa’t isa. So, baby na kaagad.”

Baka naman maunahan ka pa ni Jasmine magpakasal, ha?

“Hindi pa ‘yon. Baby pa `yon! Pero, happy ako for her.

“But she’s still young. She’s only 22. Nu’ng 22 ako, wala pa sa isip ko `yon. Walang kasal-kasal…” say na lang ni Anne.

SHARE