Una sa Balita

Anne pabubuntis na kay Erwan

0 624

abante-i-know-better-jun-nardoMagpapabuntis­ na si Anne Curtis! Pramis niya ‘yan sa asawang si Erwan Heussaff kaya naman ‘yung much-delayed nilang honey­moon ay itutuloy na matapos ang kanyang Anne-Kulit Concert Promise Last Na ‘To sa Araneta Coliseum sa August 18 bilang bahagi ng kanyang 21st anniversary sa showbiz, at shooting ng festival movie niyang Aurora.

Ratsada sa trabaho si Anne matapos niyang ikasal kay Erwan. Tinapos ang dalawang pelikula, ‘Sid & Aya’ at ang showing na ‘Buy Bust’.

“Hindi na kami makapag-dinner nang maayos ni Erwan. Thankful naman ako at he’s very understan­ding. But this time, I have to face another new chapter in my life, ang magkaroon ng family,” saad ni Anne sa presscon ng concert.

Plano nilang mag-asawa na lumipad papuntang­ South Africa at magbakasyon ng isang buwan.

Sa murang edad ay nagtatrabaho na sa showbiz si Anne. Marami na siyang achievements bilang artista at TV host kaya ang pagkakaroon naman ng pamil­ya ang bibigyan ng prayoridad.

Samantala, sa sinabi niyang last concert, makikipagbiritan si Anne kina Regine Velasquez­ at rock band na Aegis habang makikipagsaba­yan siya kay Sarah Geronimo sa pasabog na song and dance numbers.

Eh kung sa huli niyang concert, inakyat niya ang kabuuan ng Araneta Coliseum , ano naman ang balak niyang gawin?
“Lilibutin ko ang buong­ Araneta! Ha! Ha! Ha!” deklara ni Anne.

At pagdating sa isusuot na gowns, kinumisyon ng Viva Live, Inc. ang kilalang­ fashion­ designers upang damitan siya. Ang fashion designer na ito lang naman ang gumagawa ng costume ng mga sikat na Amerian concert­ artist.