Una sa Balita

Anne natameme sa harap ng Korean drama actress

By
0 802

Nagpunta sa Bucheon, South Korea si Anne Curtis para sa magkasunod na Asian premiere ng pelikula niyang BuyBust, na ginanap kamakailan. Ipinost nga ni Anne ang ‘look’ niya sa mga dinaluhang Asian premiere ng movie niya.

Pero may isang karanasan si Anne sa Korea na hindi niya puwedeng kalimutan, bagama’t natameme siya, at hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-picture.

“Met one of my fave K drama actresses last night. Had to fight so hard to be cool and super chill and definitely no pictures to respect her privacy. Hahahaha! I’ve learned to appreciate my own fans so much more with moments like this,” tweet ni Anne.

Abante Hiring – IT dep

Nataranta nga ang mga fan ni Anne at iba pang K drama adik, sa kung sino ba ang aktres na ‘yon? Wala nga kasing picture, kaya walang pruweba.

“Iba talaga kapag sikat ka. Ang dali mo lang ma-meet yung mga idol mo,” sabi ni @jannah_ayesah.

Pinilit nga si Anne ng mga tagahanga niya na i-reveal kung sino K drama actress na ‘yon. Kanya-kanya rin silang hula. May nagsabi na si Suzy ‘yon, pero may agad na kumontra dahil nasa Taiwan daw ito.

May humula na si Gong Hyo Jin ‘yon, dahil si Bae Jungnam daw ay nasa Bucheon din, at sinusuportahan si Anne, at magkaibigan nga raw ang dalawa.

Hula ng marami ay si Song Hye Kyo ‘yon na super sikat din dito sa Pilipinas. Pero giit pa rin ng iba ay baka si Gong Hyo Jin ito, na ang deskripsiyon nga nila ay the coolest person on the planet.

Pero ‘yun na nga, kahit anong pilit kay Anne, hindi siya nagpapilit. Hindi pa rin niya ini-reveal kung sino ang K drama actress na ‘yon, na na-meet niya.