Una sa Balita

Anne nangulangot sa harap ng kamera

0 569

Pinahiya ni Vice Ganda:

Naging biktima na naman si Anne Curtis ng katatawanan sa “It’s Showtime.” Hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda ang ginagawa ni Anne kaya ginamit niya ito para muling maging sentro ng katatawanan.

Habang kausap daw kasi ni Vice ang ina ni Jhong Hilario, nahuli raw niyang nangungulangot si Anne habang nasa segment na ito ng ‘Tawag Ng Tanghalan.’
Mukhang hindi raw yata aware si Anne sa ginagawa niyang pangungulangot on national television.

Hindi napigilan si Vice na sabihin sa mga manonood ang ginawa ni Anne.

Hirit ni Vice kay Anne: “Oh kumusta? Nangungula­ngot ka pa! Ang sosyal ni Anne,” sabay gaya sa sosyal na pangungulangot ng co-host niya.

Hindi na nga raw napipikon si Anne kapag siya ang na­giging biktima ng katatawanan sa “It’s Showtime.”

Para kay Anne, kapag hindi raw siya biniro ni Vice, ibig sabihin ay hindi sila close.

Nagagawa raw na okrayin ni Vice si Anne dahil super close friends sila at sanay na raw siya sa mga pang-ookray nito. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy