Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anne ‘nalaos’ kay Dahlia

0 187

Patuloy na humahakot ng atensyon ang baby ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie sa social media, lalo na sa Instagram. Hindi bumababa sa 500K ang mga like sa bawat posting ni Anne ng larawan ng kanyang anak. At mahigit sa 1K din ang mga comment.

Sa latest photo ng bata na naka-heart shape shades ito, pumalo na sa mahigit 1,800 ang mga comment. At sa totoo lang, pinataob na si Anne ng sarili niyang anak sa rami ng mga like, comment.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga solo post kasi ni Anne, madalang na umabot sa 1K ang mga comment. Pero pag si Baby Dahlia ang laman ng IG niya, ang daming nagkakainteres na mag-comment at mag-like.

Pati ang daddy nitong si Erwan Heussaff ay nababahagian din ng kasikatan ng anak. Sa post niya sa IG ng close up shot ni Dahlia, humakot na agad ito nang mahigit 8K comment, at lagpas naman sa 700K ang like. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.