Una sa Balita

Anne nag-throwback sa showdown kay Sarah

0 359

Dahil nauuso ngayon ang kanta ni Sarah Geronimo na “Tala”, hindi pinalagpas ng pambansang dyosa na si Anne Curtis ang pagkakataon na magbahagi ng sarili niyang entry. Pero sa halip na makisayaw siya ngayon ay nag-share na lang siya ng throwback entry kung saan makikitang kapwa inaangkin nila ang entablado sa pagsayaw nito.

Kuwento ni Anne, 2018 pa nangyari ang kanyang ibinahaging post which is celebration ng kanyang 21st anniversary sa showbiz industry.

“I was so excited, nervous and happy (obvious naman sa mukha ko) to share the stage with her! You’ll see her prowess when she does her thang on stage!!!!! NAPAKAGALING! Haaaaay! Basta! Let’s see baka mag nasa 36th week na ako, I’ll give it a try (LOL) Ayaw paawat! Thank you SG for sharing this moment with me!!!!” dagdag pa ng aktres sa kanyang caption sa post.

Makikita sa video na palaban talaga si Anne na tapatan si Sarah sa naturang concert. ‘Yun nga lang, sa last part nito ay iniba ni Anne ang lyrics ng “Tala” na ginamit naman sa isang fastfood chain commercial, na ikinagulat naman ni Sarah.

Anyway, looking forward ang mga fan na makapagsayaw na ulit si Anne dahil alam naman ng lahat na laging game ang aktres sa mga kulitan na trend sa social media. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More