Una sa Balita

Anne, Marco movie tumabo sa takilya

0 408

Kahapon ay ka-text ko si Raymond Gutierrez.
“Nothing pa. I’m watching Anne’s movie tomorrow night, she said she’s super happy,” sagot ni Raymond.
Manonood nga raw sila ng “Just A ­Stranger” ni Anne bilang suporta sa kaibigan.

Sabi ko kay Raymond, dapat lang talagang maging happy si Anne sa movie nila ni Marco ­Gumabao dahil bukod sa pinuri-puri ang akting ng ­kanyang kaibigan sa pelikulang ‘yon ay certified­ box-office hit din ito at naka-P12.5M daw sa opening day noong Wednesday.

“I’m watching ­tomorrow with Nicole (Anderson), Tanner (a friend) and Bubbles (Paraiso),” sabi pa ni Raymond.

Speaking of ­Marco, mukhang ­magiging big star din siya at baka bigger star pa nga compared­ to his dad Dennis Roldan noong prime years ng veteran actor.

After nga kay Anne, kay Lovi Poe naman siya ipinareha ngayon ng Viva Films, huh! Saka nag-announce na kaagad sila ng Lovi ­project ni Marco even before the showing ng “Just A Stranger”, na meaning, alam nila na maghi-hit talaga.

Solenn tuloy sa pagwu- workout kahit buntis

Kinumusta ko naman sa kanya si Solenn ­Heussaff na work­out buddy niya. Mada­las kasi na magkasabay silang nag-e-exercise ng misis ni Nico Bolzico at sa village sa Taguig City kung saan nakatira ang mag-asawa sila tumatakbo.

“Solenn still ­exercises, pero light na lang. She can’t be too ­intense anymore like our workouts­ before,” sabi ni Raymond.

Hindi na rin daw niya nakakasama sa pagwo-workout si Solenn ­dahil 7:00AM siya nasa gym at very intense ­naman ‘yung exercises na ­ginagawa niya, unlike sa buntis na ka­tulad ng kaibigan na ­allowed pa rin naman to exercise, pero piling exercise na lang ang ­puwede.

Si Raymond nga pala, palaging ­umaga nagwo-workout ­dahil hindi na ­talaga ­nagpupuyat. Kung ­hindi raw siya ­kaila­ngang lumabas sa gabi ay sa condo lang siya at kalaro ang pet dog niyang­ si Presley (super beautiful blue black Afghan Hound) na anak ang turing niya.

Karla bakasyon muna sa US

“Break” ­ngayong week na ito ang mga taga-“Magandang Buhay” dahil ­nakapag-advance taping na sila, kaya nakaalis­ pa-US si Karla­ Estrada.
Sinamahan daw ni Karla ang anak na teenager na si ­Margaret Planas na mas lalong kilala sa tawag na Magui.

“Pero sandali lang si Karla. Balik kaagad siya dahil may live at tapings na kami next week,” sey ng isang taga-“Magandang ­Buhay”.

Puwede ring mag-artista si Magui, pero priority yata ng ­teenager ang pag-aaral at papasok na ito bilang­ college freshman.

(Jun Lalin)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy