Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anne, Liza, Kathryn ‘di matibag pagrereyna sa IG

0 155

Sina Anne Curtis, Liza Soberano, Kathryn Bernardo pa rin ang mga pinakasikat na artista, personalidad sa Pilipinas, kung Instagram ang pagbabasehan.

Wala pa ring kumakabog sa kanila sa Instagram. Lalo na kay Anne, na wala ngang ganap sa showbiz ngayon, pero waging-wagi pa rin sa kanyang mga fan.

Imagine, ni hindi na nga halos napapanood si Anne sa telebisyon, dahil wala naman siya sa ‘It’s Showtime’ at hindi rin naman siya tulad ng iba na may vlog talaga, dahil ang mister niyang si Erwan Heussaff ang vlogger talaga, at paminsan-minsan lang siyang umeeksena, pero bet pa rin siya ng mga fan, ah!

Sa Instagram nga niya, karamihan ay puro si Dahlia rin ang laman, at kung ano-ano ang mga development sa buhay nito, at kung ano-ano ang mga endorsement nitong bago.

At kadalasan din ay mga produkto ni Anne ang pinu-post niya sa IG. Kumbaga, wala talaga `yung mga controversial na post, na pagkakaguluhan talaga.

Anyway, umabot na sa 17.2M ang follower ni Anne sa IG. At 1,058 lang ang pina-follow niya, ha! At may 4,140 ang mga photo, video na nasa wall niya.

Sumunod pa rin kay Anne si Liza Soberano na may 16.2M follower na. Habang ang pina-follow lang niya ay 517. At 713 lang ang post niya.

Pangatlo pa rin si Kathryn Bernardo na 15.7M follower, at 1,375 ang pina-follow niya. At 2,026 naman ang mga post niya.

Well, mahaba pa ang lalakbayin ng ibang mga artista sa Pilipinas para malampasan ang mga babaeng ito. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.