Una sa Balita

Anne, ipinagtutulakan na pakasal na kay Erwan!

By
0 557

Aware si Anne Curtis na may mga tao na pinu-push at pini-pressures talaga siya na magpakasal na sa boyfriend na si Erwan Heus­saff. Lalo na ngayon na lahat ng kaibigan niya ay kasal na, tulad nina Isabelle Daza, Georgina Wilson, Solenn Heussaff!

Pero si Anne, deadma lang. Wala raw pressure, lalo na nga­yon na ang boyfriend niya mismo ay mas nagiging busy sa negosyo nito na restoran, at blog na rin na tungkol sa pagluluto.

Pero sa tsikahan namin ni Anne noon sa shooting ng Bakit Lahat Ng Guwapo, May Boyfriend?, sinabi niya na baka magulat na lang ang mga tao sa sitwasyon nila ni Erwan.

Puwede kayang isipin na secretly ay kasal na sila ni Erwan?

Pero sa showbiz, lalo na at kasingsikat ni Anne, puwede bang maitago ‘yan?

Pero `yun na nga, sabi ni Anne, ang edad na 33 o 34 ang hinahabol niya, na puwedeng-puwede pa ngang mag-anak, na tulad ni Judy Ann Santos, na ganung edad din nagka-baby.

Anyway, parang bagong kasal nga rin sina Anne at Erwan sa Italy sa pag-attend nila sa kasal nina Isabelle at Adrien Semblat. Sa mga posts nga ni Anne, hindi talaga maitatanggi na love na love, at sa kasal na rin talaga mauuwi ang relasyon nila ni Erwan.

“@annecurtissmith: “WithNmy handsome date who’s sick yet still manages to look as dashing as ever ❤️ @erwanheussaff. #BelleAdrien2016 #ANNEventuresITALY #Tuscany.”

“@annecurtissmith: annecurtissmith: Congratulations to the newlyweds Mr. and Mrs. Semblat. I love you both very much! #BelleAdrien2016.”

“@annecurtissmith: Wine tasting and vineyard tour with this cutie @erwanheussaff. #ANNEventuresITALY #Montefalco.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy