Una sa Balita

Anne hinamon si Kamatayan

0 825
tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
Buwis-buhay, at tila hinamon ni Anne Curtis si Kamata­yan, sa isang sikat na falls sa abroad, kung saan nagbakasyon sila ng kanyang dyowang si Erwan Heussaff.
 
Marami ang nag-alala, natakot para kay Anne sa ginawa niyang paghamon sa kanyang kaligtasan sa post niya ng larawan niya sa Instagram. Makikita si Anne na nakahiga, nakadapa sa gilid ng Victoria Falls habang nakataas ang kamay.
“Oh, ya know just another day ‘hanging’ out at Victoria Falls. #FreeSpirit #BuwisBuhay4lyf, #erwannederlust #ERWANNEderlustAFRICA,” caption ni Anne.
 
Makikita sa larawan ang malakas na agos sa falls at ang taas nito. Hindi biro ang ginawa ni Anne, na tila hinamon niya si Kamatayan, dahil kung nagkataong patulan ng tadhana ang ginawa niya, malamang pinaglalamayan na ang aktres.
Ito na yata ang isa sa pinakamalalang paglalaro ng mga celebrity sa kanilang buhay para lang ipakita sa mga netizen ang pag-i-enjoy nila.
 
May mga nagpayo kay Anne na huwag nang ulitin ang paglalaro sa isang delikadong lugar dahil baka matuluyan ito.
 
***
Queen of QC ginastusan
 
 
Ang Queen of Quezon City ang siyang posibleng maging official na gay beauty pageant sa Pilipinas para sa Miss International Queen beauty pageant sa Pattaya, Thailand.
 
Ang MIQ ang isa sa pinakamalaking transgender beauty pageant sa buong Asia at sa buong mundo na dinadaluhang ng maraming transgender delegates mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
 
Ayon sa operations-head ng QOQC at isa sa mga kanang kamay ni QC Mayor Herbert Bautista na si EJay Ulanday, gusto ng Tiffany, na siyang humahawak sa Miss International Queen, na kumuha na lang sa Queen of Quezon City ng representative ng Pilipinas para sa kanilang pageant.
 
Mas nais daw ng MIQ na kumuha sa QOQC para mas solid ang pagpapadala ng kandidata ng bansa sa Thailand.
 
Sabi ni Ejay, lahat ay puwedeng sumali sa Queen of QC, basta’t magparehistro lang ng kanilang residency sa Quezon City.
 
Anyway, ang bongga lang ng presentation ng coronation night ng QOQC. Ginastusan ang buong programa na parang isa talagang nationwide search for the most beautiful tranny sa buong ‘Pinas. May pa-buffet cocktail pa ang event para sa mga bisita at press.
 
Ang kandidata ng Brgy. Pinyahan na si #14 Casey Banes Paculan ang tinanghal na Queen of Quezon City. Nakuha rin nito ang mga award bilang Darling of The Press, Simply G Award, Best in Swimsuit, WEMSAMP Choice, Miss Photogenic at Best in Evening Gown.
 
Ang nagwagi bilang Lady Pride ay si #20 Summer Lariosa (Dioquino Zobel), Lady Equality #21 Rami Hannash (Santa Lucia), Lady Respect #23 Yanyan Idalia (Commonwealth).
 
Sa special awards naman na Best in Creative Costume at H&H Award #24 Pamz Diaz (Gulod), Simply G Award, Above Sea Level Award #9 Naomi Fontanos (UP Village), Miss Friendship #11 Samantha Garcia, (Bagong Silang) at Queen of Social Media #5 Louise Manalo (San Roque).