Una sa Balita

Anne handa nang maging nanay

0 253

Kasunod nang magandang balita tungkol sa pagbubuntis ni Solenn Heussaff, nahingan ng opinyon si Anne Curtis sa Magandang Buhay tungkol sa pagbubuntis.

Inamin ng host/actress na isa siya sa unang nakaalam sa pagbubuntis ni Solenn.

“Of course, I’m excited to be an aunt. Magiging tita ako so I’m very excited for Nico and Solenn. And si Erwan also sobrang excited din kasi siyempre may added family, hindi ba, and may baby. So nakakatuwa, bagong blessing,” sabi ni Anne.

Ibinahagi rin nito ang kanyang paniniwala na darating ang tamang panahon na siya naman ang magiging mommy. Para sa aktres, anytime na mangyari rin sa kanya iyon ay handa na nga siya.

“Feeling ko in God’s time, it will happen. Ayaw kong magbigay ng pressure sa sarili ko or kay Erwan kung kailan mangyayari ‘yon. Who knows baka next year na ‘yan diba? It could be this year, next year, we don’t know,” saad ni Anne. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy