Una sa Balita

Anne gusto na agad mabuntis

By
0 100

Bongga ang ginawang pag-welcome ng It’s Showtime sa muling pagsabak ni Anne Curtis bilang host, this time being Mrs. Anne Curtis-Heussaff na.

Sweet nga ang tribute na inihandog nila sa newly-weds, na parehong ikinatuwa talaga ng mga fans na ma­kita si Erwan sa show.

Touched sina Anne at Erwan nang haranahin sila ng mga host nito kung saan ay nagpasalamat ang aktres sa napakala­king suporta na ibinigay sa kanila ng kanilang mga kaibigan dito lalo na at dalawang araw silang nasa eroplano makarating lamang sa New Zealand.

Kilig-kiligan nga ang lahat ng sabihin niya na ito raw talaga ang biggest dream niya, ang maikasal sa lalaking talagang mahal niya na pati si Erwan ay hanggang langit ang mga ngiti.

Tuwang-tuwa naman ang mga nasa audience nang ipalabas ang preview ng wedding video ng dalawa dahil para nga sa kanilang mga tagahanga ay super bonus ito.

Back to work na si Anne, na kinakantiwayan naman ni Vice na dapat ay trabahuhin na nila ni Erwan ang magkaanak kasi nga 32 years old na raw ito.

Na oo nga naman, at kung si Anne rin naman ang masusu­nod, gusto niya na agad na mabuntis ngayon pa lang. Hindi ba nga, 10 na anak ang request sa kanila ng mga magulang nila.

Oo nga naman. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy