Una sa Balita

Anne, Erwan buwis-buhay ang engkuwentro sa gorilya

0 255

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHumamig ng papuri ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa kanilang katapangan na makipag-close encounter sa isang wildlife animal.

Naka-post sa Instagram wall ni Erwan ang short vi­deo ng pagdaan sa harapan nila ng isang silverback gorilla habang nasa kalagitnaan sila ng forest hiking sa Rwanda.

Mapapanood sa video ang pagdaan ng lampas-tao at halos kasinglaki ng ele­panteng gorilla sa puwesto nina Anne at Erwan.

Sa caption na sinulat ni Erwan, ibinahagi nito ang naging karanasan niya sa gorilla at kung paano nila nalagpasan ang isang delikadong close encounter.

“When a silverback comes your way (this was the number 2 in the family)  you make yourself as small as possible and stand your ground.  I had nowhere to go so I just clinched every ­fiber in my body, ready for the hi,” sabi ni Erwan.

Makikita sa video na bago pa dumaan sa kinalulugaran nila ang gorilla, mabilis na umupo ang grupo nina Anne. Nakapuwesto sa likod ni Anne si Erwan na siniksik nito ang sarili.

Mapapansing natabig si Erwan ng gorilla at humampas din sa kanyang mukha ang sanga ng halaman matapos itong hawiin ng Gorilla.

“At first I thought the lady behind fell on my side, but then I realized that she managed to get behind me and that body check I felt actually came from the gorilla. SURREAL,” sabi pa ni Erwan.

Hindi ito ang unang pagkakataong nasaktan ng wild animal si Erwan.

“I can now say that I’ve been trunked by an elephant and brushed aside by a silverblack. I need to get bitten by something now, like a big cat,” say pa niya.

Bago pa natapos sa kanyang caption si Erwan, sinabi nitong prinotektahan niya ang kanyang asawa sa sitwasyong ito.

“P.S. I can now also say that I (unwillingly) put myself between this giant and my wife @annecurtissmith to protect her. #silverbackgorilla #Rwanda #africananimals.”

Pero hindi kumbinsido ang mga follower ni Erwan sa pahayag nitong prinotektahan niya si Anne. Isa na ang kaibigan nilang si Isabelle Daza sa nakapansing mas prinotektahan niya ang sarili kaysa sa asawa.

“This is soo awesome!! It looks like you’re hiding in between Anne and that lady behind you to avoid the gorilla,” sabi pa ni Isabelle.

Sumuporta rin agad ang ilang follower ni Erwan sa comment ni Isabelle.

@kerikarlodc, “@isabelledaza true.”

@mdkat, “@isabelladaza, hahahaha.”

Anyway, sobrang nawindang nga ang ibang mga follower sa IG ni Erwan dahil sa matapang nilang pagharap sa nasabing wildlife.

@missizacalzado, ­“CRAZY!!!”

@kismethug, “@erwan that is so scary! But I’m curious…how hard did he hit you?”

Sumagot naman si Erwan sa tanong.

@erwan, “@kissmethug felt like someone fell on me.”

@marcnelson, “Daaaamn! That’s some crazy animal magnetism you’ve got going there. You attract animals (must be the smell).

@drewbinsky, “this is ­absolutely insane.”

@lostleblanc, “Holy ­hahahaha!”

@rovilsonfernandez, “yup, thaaaaaaaat’s insane.”

@chefayps, “Grabeh!”

Sa unang posting ni Erwan, pinoste niya ang close up photo ng gorilla at inilahad niya ang ginugol nilang oras, hirap sa ilalim ng ulanan bago nila narating ang lugar ng mga silverback gorilla.

Kasabay nito, nagbigay ng impormasyon ang chef  tungkol dito at sa wildlife ng Rwanda.

“After two hours uphill hike in rain and thick forest, we finally found the family of Gorilla’s we were tracking. We were very lucky to see almost the whole family, all together in one place.

“These mountains Gorilla’s were once on the verge of instinction in the 80’s and there are now over 1000 of them in the wild.  It has been one of the most successful conservation efforts to date.

“Everyone in this region of Rwanda, knows the importance of these primates and how they create sustainable tourism livelihood for thousands of people, so they all work together, go­vernment and private sector to make sure they are protected and to ensure that all tourists that come through leave with the best impressions. Its’ really inspiring.”

Sa huli ng kanyang mensahe, ayon kay Erwan ay natupad ang pangarap niyang mahawakan ng isang silverback.

“I told Anne before our hike that my dream was to get touched by a silverback and that happened!”