Una sa Balita

Anne enjoy sa pambu-bully kay Erwan

0 280

Official Instagram photographer ni Anne Curtis ang kanyang mister na si Erwan Heussaff. Kasalukuyang nasa US ang dalawa on their annual vacation at malaking dahilan kung bakit magaganda ang mga napo-post na photos ni Anne at maayos ang pagkaka-edit ng videos nito sa Instagram ay dahil kay Erwan na ang hilig ay videography at photography.

Pinost ni Erwan sa kanyang sariling IG account ang dapat gawin ng isang mister sa kanyang misis para maging happy ito. Naniniwala si Erwan sa kasabihan na “happy wife, happy life.”

“How to make your wife happy 101. Rule #62 Do what is necessary to get the shot. It doesn’t matter how uncomfortable you are, the picture will always be worth it. #bulliedhusbandsclub,” caption pa niya.

Kasama rin pala ang sister ni Erwan na si Solenn Heussaff and her husband Nico Bolzico sa kanilang US vacation.

Aicelle, Mark mag-asawa na

Three years na ang relasyon ng soon-to-be-married na sina Kapuso singer-actress Aicelle Santos at former GMA News reporter Mark Zambrano. Nag-celebrate ang dalawa ng kanilang third anniversary as a couple sa Boracay.

Nag-post si Aicelle sa Instagram to express her gratitude for their years kasama si Mark.

“It all began with a kiss! Then 3 years later, here we are celebrating love, laughter, crazy and ‘apaw’ sa pagmamahal moments! Happy 3rd year, asawa ko! Hindi pa man, I’ve claimed that long before! Kaunti na lang and we’ll seal this love story with ‘i do’! And i can’t wait! .. Mahal na mahal na mahal po kita! ..
#amazinggrace.”

Na-engage noong March 2018 ang “Miss Saigon” star kay Mark. Kasaluku­yang inaayos na nila ang kanilang magiging kasal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy