Una sa Balita

Anne diyosa sa lahat ng panahon

0 465

Ni Rose Garcia

Si Anne Curtis ang artista na walang boundary o limitasyon pagdating sa pupuwede niyang ibigay. Hindi siya nagpapa­kahon. Hindi rin porke’t may asawa na siya, kailangang limi­tado ang lahat ng puwede niyang gawin in terms of her artistry.

Muling bibida si Anne sa bagong pelikula ng VIVA Films, ang ‘Just A Stranger’ with Marco Gumabao. Kasabay nito, regular pa rin siyang napapanood sa ‘It’s Showtime’.

At this point, nagagawa pa rin ni Anne to be on top with her career and marriage life.

Sabi nga, dyosa habambuhay si Anne.

***

Walang atrasan sa hubaran

Kahit na married woman na si Anne, napatunayan niya ang naging pahayag niya bago pa man siya magpakasal na walang mababago sa kung ano ang kaya niyang gawin at ibigay bilang isang actress.

Tulad nga sa bago niyang pelikula sa VIVA Films, ang ‘Just A Stranger’ na isang very sexy at daring Anne muli ang mapapanood.

Napag-usapan ang frontal nudity at kung bilang isang actress ay kaya niya rin itong gawin.

“You know, you just need to look at amazing actors in Hollywood. Like Natalie Portman. I think, if the role is really worth it, why not?”

Kaya niya rin mag-frontal nudity?

“Hindi naman siguro frontal. But I mean, look at the amazing actresses. It depends on how far will I go at kung ano ang kaya kong gawin.”

Another daring role nga para kay Anne ang ‘Just A Stranger’ at excited daw siya na bumalik sa ganitong genre. Kung matatandaan, isa sa tumatak na pelikula ni Anne ay ang ‘No Other Woman’.

“Yes, I was very excited to go back to sexy drama. As in, very excited. And ang ganda kasi ng script ni Direk Jason Paul Laxamana. So, even if gusto kong mag-rest muna to do films, eh, tara halika, shooting na tayo.”

Hindi rin daw isyu sa mister niya na si Erwan Heussaff kung patuloy pa rin siyang gumagawa ng sexy scenes.

“No, hindi talaga siya nagalit,” sabi ni Anne.

“He read the script and he found it ama­zing and he’s excited for me. So, hindi siya nagalit.”

Palaban sa mga lalaking manloloko

Hindi nakaligtas si Anne na matanong tungkol sa usong termino ngayon na ghosting. Natatawa na lang ito pero ayon dito, ang naranasan niya dati ay maloko na ng dating boyfriend. Pero, kinompronta niya raw ito.
“Of course, of course, ako pa?” natawang sabi niya.

‘Yung boyfriend daw niya dati ang kinumpronta niya. Pero ‘yung babae, hindi raw.

“Away talaga ‘yun,” sabi pa niya.

“Well, in the beginning, it’s just another texting horrible words. I changed my number para hindi na niya ko makontak ever.

“Pero siyempre, kapag love mo, kapag nagkita kayo ulit, then, away, whatever…”

Hindi pa naman daw naranasan ni Anne na ma-ghosting.
“Ako kasi, kailangan may usap if you really want to end.”

Adik sa mga Oppa

Kilala na si Anne sa bansa bilang isa sa mga K-drama addict. At very open din ito na kinikilig sa Korean actors.

Kinilig si Anne nang tanungin kung sakali at mabigyan siya ng pagkakataon na gumawa ng project na isang Korean actor ang kapareha, sino ang pipiliin niya?

“Hindi ba puwedeng triangle? Ha ha ha!” hirit pa niya.

“‘Yung top three ko, top three talaga! Si Gong Yoo, Park Bo Gum and Jo In Sung. And Yoo Ah In, Song Joong Ki! Ang dami. Marami talaga, but those we’re my top three talaga.

“It would really be amazing to work with them but I doubt it would ever happen. Malabong mangyari ‘yun, I don’t think it would ever happen. But, happy na ‘ko na maging emcee na lang ng fan meet nila.”

Marco nasarapan sa halik ni Misis Heussaff

Para kay Marco, perfect, kissable lips daw si Anne. Kaya naman natanong din si Anne kung paano naman niya ire-rate si Marco.

“Grabe naman ‘yung rating! Kawawa naman,” natawang sabi niya.
“You know, I think he did extremely well in our scene and definitely, he’s something to look forward. Pero feeling ko, he’s careful kasi first time niya to do intimate scene.”

Sabi pa ni Anne, “Actual­ly, may pasabog siya rito na dapat niyong abangan. Siya ang nag-isip at nagulat kami sa suggestion niya.”

Napansin naman daw ni Anne na ilang pa si Marco sa intimate scenes nilang dalawa. Kaya siya pa ang nakaalalay dito.

“Well, I could say he was awkward and being careful. Kahit na kunwari nagpapa-cool siya nang konti. Pero I can feel how awkward he was. It was helpful that Direk was with us to guide us.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More