Una sa Balita

Anne, Dingdong movie super wagi sa takilya

By
0 2,656

Isang victory party ang inorganisa ng Viva Entertainment Inc, para sa cast, crew, production and admin staff ng pelikulang Sid & Aya (Not A Love Story) nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

Naging isang malaking tagumpay ang pelikulang ito sa takilya na unang pagsasama ng dalawa after 20 years of not working together.
Sa movie rin ito ay pinuri-puri ang magaling na pagkakaganap ni Dingdong at ganun din naman si Anne. Dinaluhan ng dalawang lead stars ang nasabing victory party na ginanap sa Draft 30th sa Ortigas na ang tema ay parang dine, wine and be merry.

Siyempre ay hindi rin nawala ang director na si Irene Villamor na na-reclaim ang titulong box-office director na na-gain niya noon sa smash hit movie na Camp Sawi.

Nagpasalamat ang tatlo sa lahat ng involved sa Sid & Aya dahil hindi rin naman naging madali sa kanila ang pag-shoot nila na kailangang bongga simula pa lamang sa pagkonsepto nito at pag-aayos sa sked ng dalawang very busy lead stars.

Naging highlight ang pagkanta ni Janine Teñoso sa theme song pelikula na naging emosyonal pa nga raw ang ibang staff. Would there be a follow up sa team up na ito nina Dong and Anne? Why not coconut, devah?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy