Una sa Balita

Anne ‘di umubra sa husay ni Amy

0 369

abante-i-know-better-jun-nardoHindi umubra ang pagpapaka-tomboy ni Anne Curtis sa galing sa pag-arte ni Amy Austria sa episode nu’ng Sabado sa “Magpakailanman”.

Si Anne ang bida sa anniversary episode ng Saturday drama ng Kapamilya network at ang episode ni Amy sa MPK ang nakabangga niya.

Sad to say, nilampaso ni Amy si Anne dahil nakakuha ng 12.0% ratings ang MPK habang ‘yung kay Anne ay 10.5% ratings lang mula sa NUTAM PPL Prime.

Sharon tagos sa puso ang pagmamahal kay Regine

Concert ang pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez ngayong Oktubre. Inihayag na ito ni Shawie sa kanyang Instagram kung saan may group pic sila ng magiging bahagi ng concert.

Present si R­owell Santiago na pasok sa pagiging director at brother-in-law ni Regine na si Raul Mitra bilang musical director kasama ang magiging staff ng concert.

Sa caption ni Shawie, “I’ve had just projects and I’ve had passions projects. But this is the project from and for my heart! It’s a love project because I love Regine!!!”

Wala nga lang nabanggit ang Megastar kung siya ang producer ng concert nila ni Regine, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy