Una sa Balita

Anne Curtis buntis na?

‘Chubby cheek na me’

By
0 1,543

Guess what? Magiging mommy na nga ba si Anne Curtis? Emegesh!

Well, bago matapos ang special Undas ganap sa Showtime, nagpaalam at inanunsyo nga ni Anne sa madlang people na siya ay mawawala muna sa loob ng isang buwan sa Showtime kasi nga ay magse-celebrate sila ng asawang si Erwan Heussaff ng late honeymoon sa Africa.

Kamakailan nga ay panay post si Anne ng extreme adventures nilang mag-asawa sa Africa. Super enjoy silang dalawa sa safari escape nila at kahapon nga lang eh nag-post si Anne sa Instagram story niya na may caption na ‘chubby cheeks na me’.

Nabanggit din niya ulit sa video na wedding anniversary nga nila ni Erwan, at ipinakita pa niya ang mga video ng kanilang kasal.

So, going back nga sa pagtaba ng pisngi ni Anne, hinala ng mga fan ay sign na ‘yon na buntis na si Anne. Marami nga ang excited na para kay Anne na maging nanay.

Hindi pa man gaanong halata sa pictures ni Anne ang kanyang pagtaba, pero kini-claim na nga niya na nadagdagan na ang fats niya. Well, sana nga positive na buntis na siya!

Siya nga pala, bago umalis si Anne para sa bakasyong ito, nagbigay ng mensahe si Vice GAnda sa kanya sa segment nilang Tawag ng Tanghalan. Excited na nga si Vice na maging mommy na si Anne. Sinabi pa ni Vice na proud at masaya siya para kay Anne, at nilu-look forward talaga niya ang pagiging mother ni Anne.

Bumuhos ang emosyon ni Anne nung time na `yon, at siya nga mismo ay nagsabi na gusto na talaga niyang
maging nanay. So, abang-abang na lang tayo, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy