Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anne bet mag-Pasko sa Pinas

0 113

NI: VINIA VIVAR

Aminado si Anne Curtis na gustong gusto na rin niyang umuwi ng Pilipinas dahil nga since December ay nasa Australia na siya kung saan siya nanganak sa first baby na si Dahlia Amelie.

Pero syempre, because of the COVID-19 pandemic at priority nila ang safety ng kanilang baby ay hindi pa sila makauwi.

Aminado nga rin ang aktres na nami-miss na niyang magtrabaho and in fact ay may naghihintay na ngang projects sa kanya sa pag-uwi niya ng bansa.

“I’ve spoken to Viva. May mga movies na kaagad pag-uwi ko anytime na magaganda din. Actually tinatanong na nga ako kailan ako uuwi. But we’ll see,” pahayag ni Anne sa kanyang panayam sa #LiveWithG3.

Sa ngayon daw talaga ay hindi pa niya priority ang work because siyempre, her family comes first.

“I know that eventually I will get back to it. I will get back to it. That’s for sure. Pero siyempre, hindi ko lang siya priority as of now. Siyempre meron akong bagong baby. And I really want to be here for her as much as I can. Parang I don’t want to miss out on any of her firsts. Gusto ko super present ako,” she said.

Aside from acting, miss na rin daw niyang mag-host ng “It’s Showtime” pati na ang mga co-hosts na pamilya na rin daw ang tingin niya.

Wish ni Anne na makauwi na sila ng Disyembre at makapag-Pasko sa Manila.

“Hopefully by the end of this year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero of course playing it by ear pa rin. We’ll see. Pero ‘yun naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan sana,” she said.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.