Una sa Balita

Anne bawal nang mag-absent sa Showtime

By
0 3,541

Kahapon ay pumirma ng renewal contract sa ABS-CBN si Anne Curtis at feeling ng misis ni Erwan Heussaff, lifelong na talaga ang pagiging Kapamilya star niya.

Sa launch niya noong isang gabi bilang first brand ambassador ng online shop ng Shopee Philippines, nabanggit ni Anne na bawal silang mag-absent sa It’s Showtime, kaya hindi raw siya sure kung may teleserye ba siyang gagawin sa bago niyang contract sa Kapamilya network. Pero mukhang wala raw in the near future.

Samantala, kahit mas magaling magluto sa kanya ang mister niyang si Erwan at lately lang naman siyang nag-aaral magluto, may mga nire-request na raw sa kanya ang mister.

“Minsan, gusto niyang magluto ako ng Thai di­shes, ginagawa ko naman,” sabi ni Anne.

Madalas daw ay si Anne na ang nagluluto para sa dinner nila lalo na at wala siyang trabaho pagkatapos ng It’s Showtime.

“In the morning kasi, pareho kaming maagang nagigising at nagte-training, kaya hindi ako ‘yung nagluluto ng breakfast namin. Before It’s Showtime kasi, nag-e-exercise pa kami at maaga rin dapat sa studio.

“So, sa gabi ko siya ipinagluluto. May mga lambing siya na food, like Thai dishes, ginagawa ko naman. Marunong-runong na rin akong magluto,” natatawang kuwento ng TV host/actress.

Sa Shopee Philippines launch nga pala niya ay kumanta si Anne at wala siyang pakialam na bumirit, huh! Birit kung birit nga si Anne at naaliw sa kanya ang mga um-attend sa event na ‘yon.

During our interview with Anne, nasabi niyang parang gusto pa rin niyang humirit ng isang concert. So, baka mag-concert pa rin siya, pero hindi pa lang daw niya masabi kung kailan.

GMA hindi interesado kay Ryza

Like Anne, pumirma na rin sa ABS-CBN ang kapwa niya Viva Artists Agency talents na sina Yam Concepcion at Ryza Cenon. Si Yam naman ay noon pa lumalabas sa Kapamilya network, pero si Ryza ang bagong lipat pa lang after ng 13 years niya sa GMA 7 (halos 14 kung isasama ang panahon na contestant pa lang siya sa Starstruck).

Sabi ng isang taga-Kapuso network na nakatsikahan ko, mukhang hindi na rin naman talaga interesado ang Siyete kay Ryza dahil hindi na nga ang GMA Artist Center ang nagma-manage ng kanyang career at lumipat na nga kasi siya sa VAC.